Bianca, Miguel ‘di naglalandian sa publiko

Last two days na lang ang shooting ng “Family History” at after that ay post production na sila. Dinalaw namin ang set ng “Family History” sa Marikina Heights na tuloy-tuloy ang shooting kahit nag-uumapoy sa init ang panahon.

The post Bianca, Miguel ‘di naglalandian sa publiko appeared first on Abante News Online.

bianca miguel di naglalandian sa publiko - Bianca, Miguel ‘di naglalandian sa publiko
Miguel Tanfelix - Bianca, Miguel ‘di naglalandian sa publiko

abante talbog joe barrameda 336x224 - Bianca, Miguel ‘di naglalandian sa publikoLast two days na lang ang shooting ng “Family History” at after that ay post production na sila. Dinalaw namin ang set ng “Family History” sa Marikina Heights na tuloy-tuloy ang shooting kahit nag-uumapoy sa init ang panahon.

Sa set ay kitang-kita ang pagka-propesyonal nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na parehong cooperative sa tambalan nila na hanggang ngayon ay hindi matinag kahit anong intriga o unos na dumating sa kanila.

Sana ay magtuloy-tuloy ang magandang attitude nila at ‘yan ang magpapatibay sa kanila. Hindi katulad ng iba na ipinakikita pa ang pakikipaglandian sa publiko.

Ang nakakatuwa sa dalawa ay sa showbiz na sila naglakihan kaya alam na nila ang likaw ng mga bituka nila. Para na rin silang magkapatid.

Dawn ayaw nang mag-teleserye

Si Dawn Zulueta naman ay full of praises sa kanyang leading man/director sa “Family History” na si Michael V aka Bitoy. Wala silang naging a­berya at happy si Dawn sa ginagawa niya.

Mas gusto na raw niya ang mag-shooting na limitado lang ang oras unlike sa teleserye na inaabot ng magdamagan ang taping. Nagbibinata na raw ang kanyang panganay at kailangan niya itong bigyan hindi lamang qua­lity time kundi quantity time. Main priority niya ang pamilya niya.

Ruru magpapaseksi sa ‘La Union’

Abala si Ruru Madrid sa mga workshop para sa pelikulang “La Union” na magsisimulang mag-shoot sa mga dagat doon, kasama ang ilang mga hunk ng magkabilang network. Bukod diyan ay nahaharap na niya ang kabi-kabilang imbitasyon sa iba’t ibang lugar lalo na ngayong election season. Hindi naman siya pumapalya sa pagdyi-gym kaya maintain na maintain ang magandang katawan niya.

Nakatakda rin niyang simulan ang isa pang mo­vie paired with Jasmine Curtis under APT Entertainment.

Joel, Ricky magkatuwang sa ‘Binondo’

Dahil sa tagumpay ng unang pagsasadula ng stage play na “Binondo” ay muli itong binuhay ng Chinese producer katulong si Gina Tabuena-Godinez.

Malapit naming kaibigan si Tita Conchita Razon, ang butihing ina nina Gina at Martin Nievera. Kaya kami naimbitahan sa mediacon ng “Binondo”.

Mostly Chinese ang mga nanood at manonood sa “Binondo” dahil title pa lang ay sa bandang Chinatown na ang lugar. Ang maganda sa play na ito ay si Ricky Lee ang scriptwriter at ang batikang director na si Direk Joel Lamangan ang mamamahala.

Sa July 12-14 ang rerun nito sa The Theatre, Solaire. Kaya kumportable kayo sa venue sa ganda at elegante ng lugar.

The post Bianca, Miguel ‘di naglalandian sa publiko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *