Bianca inudyukang pumasok sa politika

Sa gitna ng mga mabibigat na isyung tinatalakay sa bansa, hindi nagpatinag ang TV host na si Bianca Gonzales-Intal na maghayag ng kanyang mga sentimyento o opinyon sa pamamagitan ng Twitter.

bianca inudyukang pumasok sa politika - Bianca inudyukang pumasok sa politika
bianca 3 - Bianca inudyukang pumasok sa politika

Sa gitna ng mga mabibigat na isyung tinatalakay sa bansa, hindi nagpatinag ang TV host na si Bianca Gonzales-Intal na maghayag ng kanyang mga sentimyento o opinyon sa pamamagitan ng Twitter.

Nitong nakaraang Huwebes ay inilahad niya ang kanyang saloobin tungkol sa SOGIE Equality Bill.

“I am a straight woman, and I believe the SOGIE Bill does not in any way hamper my rights as a woman and human being. #SOGIEEqualityNow,” sey ni Bianca.

Pagkatapos ng naturang pahayag, sunod-sunod din ang kanyang mga retweet na may kinalaman din sa SOGIE. At hindi lang ‘yan ang concern ng host na ibinabahagi sa kanyang Twitter, ngayon naman ay marami pang ibang isyu ang kanyang binigyang-diin.

Lalo siyang naudyok magsalita dahil sa nangyaring aberya sa MRT-3 nitong Biyernes na nagdulot ng perwisyo sa mga commuter.

“Public transport.. farmers.. LGBT rights.. isama na ang lack of access to education, corruption, drugs, at napakarami pang iba. Madami talagang issue at lahat naman tayo may boses para suportahan ang mga ito. Hindi kailangang choose one only. Hindi din kailangang choose all,” tweet pa ni Bianca.

Dahil sa kanyang mga opinyon na hinangaan ng mga fan, inudyukan siya ng mga ito na pumasok sa politika.

Samantala, hindi lahat ay pabor sa mga binitawang pahayag ng host, tumanggap rin ito ng mga pambabatikos mula sa ibang mga netizen. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *