Bianca inisnab ang mga fan ni Miguel

Hindi nakarating si Bianca Umali sa pa-block screening ng fans ni Miguel Tanfelix para sa horror movie nila na “Banal” na ginanap sa SM Light Mall cinema.

The post Bianca inisnab ang mga fan ni Miguel appeared first on Abante News Online.

bianca inisnab ang mga fan ni miguel - Bianca inisnab ang mga fan ni Miguel
Bianca Umali 1 - Bianca inisnab ang mga fan ni Miguel

Hindi nakarating si Bianca Umali sa pa-block screening ng fans ni Miguel Tanfelix para sa horror movie nila na “Banal” na ginanap sa SM Light Mall cinema.

Imbitado naman daw ang buong cast na kinabibilangan din nina Andrea Brillantes at Kim Last. Pero nataon na may sche­duled taping si Bianca ng “Sahaya” at busy rin ang dalawang co-stars ni Miguel.

Ang “Banal” ang unang horror movie na ginawa ni Miguel at inamin niya na physically ay napakahirap daw gawin ng movie nila dahil sa paiba-iba nila ng location. Pero naging worth it naman daw ang hirap dahil game na game ang mga kasama niya sa pelikula.

“Okey kaming lahat sa mga eksena. Walang na­ging problema, especially si Bianca, nakita ko na wala siyang arte sa katawan.

“Iba kasi ang working environment kapag shoo­ting. Sa taping, may dres­sing room na puwede kang magpahinga. Pero kapag location shooting, iba ang lahat, eh. Tapos sunud-sunod ang shoot namin kasi may hinahabol na day effect.

“Si Bianca, she’s really a professional. May eksena na basang-basa kami kasi may rain effect. Hindi kami kaagad na pinapalit ng damit kasi kukunan ‘yung ibang scene na basa kami. Wala kang maririnig na reklamo from Bianca. Actually enjoy pa siya na basang-basa kami. Pati sina Andrea at Kim, tawa lang nang tawa sa mga eksena naming basa kami,” sabi pa ni Miguel. (Ruel ­Mendoza)

The post Bianca inisnab ang mga fan ni Miguel appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *