Bianca, Alice, Andrea ‘pagsasaluhan’ si Dennis

Sumalang na sa look test ang cast ng bigating Kapuso teleserye na ‘Legal Wives.’ Ang cultural drama series, na isa sa mga pinakamalaking proyekto ng GMA Entertainment Group, ay pagbibidahan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo kung saan makakapareha niya sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

The post Bianca, Alice, Andrea ‘pagsasaluhan’ si Dennis first appeared on Abante.

bianca alice andrea pagsasaluhan si dennis - Bianca, Alice, Andrea ‘pagsasaluhan’ si Dennis
Bianca Alice Andrea - Bianca, Alice, Andrea ‘pagsasaluhan’ si Dennis

Sumalang na sa look test ang cast ng bigating Kapuso teleserye na ‘Legal Wives.’ Ang cultural drama series, na isa sa mga pinakamalaking proyekto ng GMA Entertainment Group, ay pagbibidahan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo kung saan makakapareha niya sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Iikot ito sa karakter ni Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca).

Nauna nang sumabak sina Dennis at Bianca sa look test at sumailalim na rin dito ang mga beteranong aktor na sina Cherie Gil at Al Tantay na gaganap bilang mga magulang ni Ishmael na sina Zaina at Hasheeb.

Abangan din sa Legal Wives ang young and promising Kapuso stars at produkto ng StarStruck na sina Shayne Sava at Adbul Raman. Makakasama rin sina Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar De Mesa, Juan Rodrigo, at Irma Adlawan.

Paano nga ba mapapanatili na payapa ni Ishmael ang kanyang buhay may-asawa? Ano ang kaya niyang isakripisyo upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya? (Dondon Sermino)

The post Bianca, Alice, Andrea ‘pagsasaluhan’ si Dennis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *