BF sinisi: Bianca Umali natuyot, nalosyang

Ang daming pamba-bash na natanggap si Bianca Umali sa recent picture niya na ipinost niya sa Inastagram account. Si Bianca ang isa sa sa masasabi naming pinakamagandang Kapuso star o kahit na sabihin pang sa buong showbiz.

bf sinisi bianca umali natuyot nalosyang - BF sinisi: Bianca Umali natuyot, nalosyang
abante bianca umali - BF sinisi: Bianca Umali natuyot, nalosyang

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - BF sinisi: Bianca Umali natuyot, nalosyangAng daming pamba-bash na natanggap si Bianca Umali sa recent picture niya na ipinost niya sa Inastagram account. Si Bianca ang isa sa sa masasabi naming pinakamagandang Kapuso star o kahit na sabihin pang sa buong showbiz.

Pero, grabe yung mga panlalait na inabot niya sa picture niya na pino-promote niya ang isang brand ng lipstick. Kumpara nga siguro sa mga past postings ni Bianca, medyo may “gulat factor” nga ang looks niya ngayon na parang sobrang payat. Pero grabe lang yung, nandiyang tinawag siyang “tuyot” “natutuyot” “nalosyang.”

At mga ibang comment pa na ang tinutukoy na diumano’y ginawa raw ng boyfriend ni Bianca na si Ruru Madrid dito during ecq, huh!

Sa totoo lang, ngayon lang namin nababasa ang mga bashing kay Bianca mula nang maging sila ni Ruru. Talaga nga sigurong marami ang hindi tanggap ang relasyon nilang dalawa, marami rin ang hindi pa rin maka-move-on sa kanilang dalawa ni Miguel Tanfelix.

Sylvia, Jinggoy sasali sa MMFF

Plano raw ni dating Senator Jinggoy Estrada na magbalik telebisyon. Either through a sitcom or talk show.

At dahil shutdown na nga ang ABS-CBN, he’s eyeing of course, TV5 or GMA-7. Pero hindi pa raw niya masabi kung kailan, hoping siya na within this year din.

Ang dapat sanang pang-summer MMFF entry niya na family movie na Coming Home ay posibleng ipa-screen niyang muli for December MMFF.

Ang maganda sa kanya, kahit wala sa anumang posisyon ngayon at kahit na napaaresto dahil sa pamimigay ng mga bangus sa San Juan bilang tulong niya ngayong pandemic, tuloy-tuloy pa rin ito sa ginagawang pagtulong.

Araw-araw siyang nagla-live at inaabot ang mga taong nangangailangan sa buong mundo. Kada-araw raw, namimigay siya ng tatlong tablet at cash din sa kanyang question and answer.

Chiz hindi na clingy kay misis

Ine-emotan ni Heart Evangelista ang kanyang mister na si Governor Chiz Escudero sa kanyang Instagram Live. Kasalukuyang nasa Sorsogon si Heart ngayon kasama ang mister. Pagkatapos nilang magkahiwalay ng ilang buwan during the lockdown.

Pero emote ni Heart nang ayaw noong unang mag-join ni Chiz sa pa-IG Live niya dahil katwiran nito, Sunday at rest day naman daw niya.

Sey ni Heart, “Alam mo, hindi ko na siya kilala. Hindi ko na siya nakikita. Kaya rin I need to always wear my outfits, ganyan… para kapag nakikita niya ko, ganda naman ng girl na ‘to? Kasi, hindi na kami nagkikita talaga.”

Sobrang busy nga raw ng mister niya. Hindi lang kami sure kung nagbibiro lang ito nang sabihin din na dinededma siya ni Chiz. Hindi nga raw ito masarap sorpresahin dahil maa-upset lang daw siya sa reaction.

Pero bawi rin ni Heart, okay lang daw sa kanya dahil kumpara noong mas bata siya, hindi na raw siya clingy ngayon.

“When I got older and I met Chiz, I became more independent which I realized, it made me discover myself more and I don’t rely with anyone.

And I get to do more things.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *