Beyoncé bibida sa ‘The Lion King’

Finally ay ibinunyag na kung sino ang mga boses sa likod ng cast sa remake ng pelikulang “The Lion King” sa pamamagitan ng mga post na ibinahagi sa official Instagram account ng Disney.

The post Beyoncé bibida sa ‘The Lion King’ appeared first on Abante News Online.

beyonce bibida sa the lion king - Beyoncé bibida sa ‘The Lion King’
ABANTE beyonce - Beyoncé bibida sa ‘The Lion King’

Ni: Athena Yap

Finally ay ibinunyag na kung sino ang mga boses sa likod ng cast sa remake ng pelikulang “The Lion King” sa pamamagitan ng mga post na ibinahagi sa official Instagram account ng Disney.

Bigatin ang mga Hollywood star na tampok rito gaya nina Beyoncé Knowles, Donald Glover, Chiwetel Eljiofor, Seth Rogen at marami pang iba.

Kahit ang diva na si Beyoncé ay nagbahagi na sa kanyang Instagram ng pahapyaw tungkol sa kanyang big project bilang boses ni “Nala” sa pelikulang “The Lion King” sa direksyon ni Jon Favreau.

Si Seth ay ang boses ni “Pumbaa,” si Chiwetel naman ay si “Scar,” habang boses naman ni “Simba” si Donald.

Ipinasilip na rin sa IGTV ng “The Lion King” account ang proseso at behind the scenes sa pagbuo ng naturang pelikula.

Kaya naman triple agad ang excitement ng mga fan sa paglabas nito lalo na’t bigatin talaga ang mga boses sa likod ng mga cast nito.

The post Beyoncé bibida sa ‘The Lion King’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *