Bela mala-hayop ang kaseksihan

Hindi feeling celeb, o ‘yung sikat na sikat na takot na takot sa mga tao, ang naging eksena ni Bela Padilla sa Boracay. Parang ordinaryong tao nga lang si Bela na palakad-lakad sa mga kalsada ng Boracay, na tulad ng ibang turista ay nagsi-selfie, nagbi-video maya’t maya.

bela mala hayop ang kaseksihan - Bela mala-hayop ang kaseksihan
abante bella - Bela mala-hayop ang kaseksihan

Hindi feeling celeb, o ‘yung sikat na sikat na takot na takot sa mga tao, ang naging eksena ni Bela Padilla sa Boracay. Parang ordinaryong tao nga lang si Bela na palakad-lakad sa mga kalsada ng Boracay, na tulad ng ibang turista ay nagsi-selfie, nagbi-video maya’t maya.

Katuwa rin lang na tinitingnan lang din talaga siya ng mga taga-Boracay habang nag-i-enjoy siya. Hindi siya iniistorbo sa eksena niya.

At bongga rin naman, dahil may mga maliliit na negosyante sa Boracay na natutulungan ni Bela, ha! Tulad na lang ng isang tindero (kariton ang dala) na inilalako ang mga mangosteen at durian, at super promote talaga si Bela sa mga tinda, na ang sarap, ang tamis.

I’m sure, sa mga fan ni Bela na pupunta sa Boracay, hahanapin nila ang tindero na ‘yon.

Anyway, tulad ng mga babaeng turista sa Boracay, todo display rin si Bela ng kaseksihan niya. At ganu’n nga yata ang epekto kapag ang pakiramdam mo ay kaisa ka rin sa lahat ng mga tao roon, na hindi ka nagpi-feeling sikat, dahil mas malaya mong nagagawa ang mga gusto mo.

Mababasa nga sa IG ni Bela na parang ang mga tao na nasa Boracay ang nahihiyang lapitan siya para makapag-photo op, dahil sa attitude niya na normal na normal.

albertmarie07, “I saw you kanina po pero di na kami nagpapicture kasi parang wala ka po sa mood at parang pagod na. Nakakatuwa nakita na kita sa personal. Enjoy your vacay.”

“@albertmarie07 thank you! See you around,” sagot naman ni Bela.
Anyway, super fit, super hot, super sexy, super ganda, super kinis, ganyan kung i-describe si Bela ng mga nakakakita sa latest IG sexy photos niya. Na true naman kasi.

At sa isang photo naman ni Bela, ikinumpara sa Lion King ang kaseksihan niya, dahil sa suot niyang swimsuit.

“Simba kasi ang peg ko. Hindi talaga si Nala,” sagot lang ni Bela.

(Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *