Bela ‘di ‘nagmaganda’ sa harap ni Direk Paul

Hindi nagpaganda, at lalong hindi nagmaganda si Bela Padilla sa shooting ng pelikulang “Mananita”, na dinirek ni Paul Soriano.

bela di nagmaganda sa harap ni direk paul - Bela ‘di ‘nagmaganda’ sa harap ni Direk Paul
paul x bela - Bela ‘di ‘nagmaganda’ sa harap ni Direk Paul

Hindi nagpaganda, at lalong hindi nagmaganda si Bela Padilla sa shooting ng pelikulang “Mananita”, na dinirek ni Paul Soriano.

Kuwento ni Bela, sa lahat ng ginawa niyang pelikula, ang “Mananita” talaga ang kakaiba sa lahat. Aba, sa kabuuan ng pelikula, halos siya nga raw ang makikita, at kaloka nga, na 9 pages lang ang script nila, ha! Kaya karamihan ng eksena niya, kinailangan talaga ang iba’t ibang emosyon ng kanyang mukha.

Gustong-gusto rin ni Bela ang pelikulang ito, dahil hindi nga raw niya kailangang magpaganda. Hindi nga raw tulad sa ibang pelikula, o teleserye, na kahit matutulog ka lang, kailangan naka-lip tint ka, o naka-mascara ka, o naka-eye shadow ka. May mga teleserye nga raw siyang ginawa, na kahit maglalaba lang, todo ayos talaga, at super paganda.

Samantalang dito sa pelikulang ito, hindi kinailangan ‘yon. Kaya ramdam na ramdam daw talaga niya ang pagiging aktres.

Anyway, matagal na palang gusto ni Direk Paul na makatrabaho si Bela. Napapanood nga raw ni Direk Paul ang mga pelikula ni Bela noon, at sinabi na nga niya na may gusto siyang i-pitch na kuwento kay Bela. Kaya tuwang-tuwa siya na finally ay natupad ang pangarap din niya na makatrabaho si Bela. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *