Beki, tibo palaban sa ‘Idol Philippines’

Ipinakilala na ang Top 20 sa “Idol Philippines” at bukod sa kanilang boses, interes-ting talaga ang kanilang mga kuwento ng pagsisikap para sa kanilang mga pangarap.

The post Beki, tibo palaban sa ‘Idol Philippines’ appeared first on Abante News Online.

beki tibo palaban sa idol philippines - Beki, tibo palaban sa ‘Idol Philippines’
Idol Philippines - Beki, tibo palaban sa ‘Idol Philippines’

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Beki, tibo palaban sa ‘Idol Philippines’Ipinakilala na ang Top 20 sa “Idol Philippines” at bukod sa kanilang boses, interes-ting talaga ang kanilang mga kuwento ng pagsisikap para sa kanilang mga pangarap.

Tulad ni Denize Castillo na umaawit upang makauwi na ang magulang na OFW, at si Roque Belino na minero ng ginto at nagbabanda para sa ikabubuhay.

“Nagsimula ako magmina noong maka-graduate ako ng high school. Gusto kong matupad ang pangarap ko at maiahon ang pamilya ko sa kahirapan,” sabi ni Roque.

Iniaalay naman ni Jasper Lacson ang kanyang pag-awit sa lolo niyang una lamang siyang narinig umawit noong auditions, at ang bagong kasal na si Michelle Primavera ay inihahandog naman sa asawa ang kanyang laban.

Siyempre hindi rin nagpakabog ang mga beki, na nagsisikap na iangat ang bandera ng LGBTQ+ community tulad nina Jeremiah Torayno, isang transgender woman. “Ever since bata ako, alam ko nang may unique sa sarili ko. Mahalaga po ito sa akin dahil natakot ako noon mag-try kasi baka hindi magustuhan ng tao, pero ngayon I think I’m ready,” sabi ni Jeremiah sa harap ng judges.

Kasama niya sa pagpapakita ng kahalagahan ng pagiging totoo ang LGBTQ+ members din na sina Matty Juniosa na umaawit para sa ina; Elle Ocampo, ang lesbian artist mula Pampanga; Lucas Garcia na loud and proud gay singer; at Enzo Almario na isang vlogger.

Bagama’t ilang si-nging contest na ang sinalihan, hindi naman sumusuko sina Trish Bonilla na sinisikap pa ring ipaglaban ang pangarap kahit pumipigil ang ina, at Zephanie Dimaranan na patunay na hindi hadlang ang murang edad para makipagsabayan.

Muli namang magsisikap si Dan Ombao na abutin ang pangarap matapos mawala ang natamasang unang ningning ng bituin. “Dumating sa point na nasilaw ako. Napariwara ‘yung career ko. Nawala ‘yung pagkanta ko, hindi na ako nakapagsulat ng kanta. Ngayon matured na ako, mas focused.”

Papatunayan naman ng mga naging biktima ng bullying na sina Fatima Laguera at Kevin Hermogenesna na hindi hadlang ang salita ng mga tao para manalo sa kompetisyon.

Ngayong gabi ay mas titindi ang laban dahil umpisa na ng Solo Rounds. Mula 20, 12 na Idol hopefuls na lamang ang magpapatuloy patungong live rounds ng kompetisyon. Sino nga kaya sa kanila ang makakapasok sa Top 12?
Samantala, isang tagumpay ang nakamit ng “Search for the Idol Philippines” matapos pumalo sa higit isang milyong subscribers ang official YouTube channel nito at gagawaran ng Gold Creator Award mula sa video streaming service.

Maine balik sa pagiging ‘butangera’

Ang bongga talaga ni Maine Mendoza dahil ang episode niya ang napili na ipalabas ulit nga-yong gabi sa “Daig Kayo Ng Lola Ko,” ha! Kuwento nga ito ni Lara Patola, na isang butangera.

Makikita nga sa kuwento kung paano tinuruan ng leksyon si Lara (Maine), na napasabak sa isang bakbakan kay Kapre-Itso. Pero, wala ngang epekto ang mga suntok at sipa ni Lara kay Kapre-Itso.

Itinapon sa ere ni Kapre-Itso si Lara, at ang tangi lang niyang nagawa ay humingi ng tulong. At habang nasa ere, na-realize ni Lara ang mga pagkakamali niya.
At sapat na ‘yon para tulungan ni Duwen-Ding si Lara. Gamit ang kanyang magic, nailigtas niya si Lara.

At dito nga na-rea-lize ni Lara na dapat ay pinaiiral talaga ang respeto. Humingi ng tawad si Lara kina Kapre-Itso at Duwen-Ding. Ang kababaang loob nga ang nagpalaya kay Lara para maibalik siya sa da-ting anyo.

The post Beki, tibo palaban sa ‘Idol Philippines’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *