Beauty tumodo bukaka sa EDSA

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ­makapaniwala si Beauty Gonzales sa tagumpay na narara­nasan niya dahil sa role niya bilang Romina sa “Kadenang Ginto” ng ABS-CBN.

beauty tumodo bukaka sa edsa - Beauty tumodo bukaka sa EDSA
beauty 3 - Beauty tumodo bukaka sa EDSA

Dondon Sermino Paistaran 336x224 - Beauty tumodo bukaka sa EDSA

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ­makapaniwala si Beauty Gonzales sa tagumpay na narara­nasan niya dahil sa role niya bilang Romina sa “Kadenang Ginto” ng ABS-CBN.

Sabi nga ni Beauty, sino ba naman ang makapagsasabi na mararanasan pa niya ito, gayung may asawa at anak na nga siya? ­Karamihan nga raw ng sumisikat sa teleserye ay mga dalaga pa, o walang sabit.

At ngayon nga ay lalo pang nadagdagan ang achievement niya bilang ­artista. Heto nga, at sa kauna-unahang pagkakataon ay nabigyan siya ng pagkalaki-laking billboard sa EDSA, ha!

Emotional nga si Beauty habang binabaybay ang EDSA at tinitignan ang billboard niya.

“My first Billboard in Edsa (not this photo) and I’m feeling mighty fine. A little girl’s dream came true. Thank you for making it happen @bcbench.

“So if you’re travelling EDSA southbound in Cubao area, look up! If you see something you like, take a pic and tag me pls. Thank you so much to Team @benchtm, Hi @kjjardenil. Photo by @bjpascual, Makeup @antheabueno, Hair @paul­nebres,­” sabi ni Beauty.

Anyway, kapansin-pansin na usong-uso ang ­bukaka posing, ha! Ginawa ni Pia Wurtzbach ‘yon, at heto nga, si Beauty naman ngayon.

Buti na lang, maong pants ang suot ni Beauty kaya hindi ­masyadong nagmarka ang hindi dapat ­magmarka.

Jackie Rice dedma na sa ‘booking’ isyu

Back to Instagram na nga si Jackie Rice matapos siyang akusahan na nagbebenta ng ‘aliw’ dahil sa pagka­kalagay ng mukha, pangalan niya sa isang ­website, na may ganu’ng re­putasyon.

Anyway, hindi naman apektado si ­Jackie sa gawa-­gawang chika na ‘yon sa kanya. Idinaan nga niya sa biro ang lahat lalo na yung presyong P2M kada-walk (walker, o ­pa-walk ang tawag sa mga babaeng escort).

At dedma na rin siya sa mga hirit na pambabastos sa kanya, o pang-aasar sa kanya ng mga netizen. Tulad nga nitong mga sumusunod na netizen, na ayaw pang mag-move on, ha!

“Cnung swerte ang nagbook sayo madam?” tanong ni kvaldez07.

“Bakante ka ba mamayang gabi?” tanong din ni gatsbyzaddy.

“Uy mukhang may nagpa-book na hahahaha charot­ lang,” hirit naman ni clearpakz.

Well, dedma lang si Jackie sa pang-aasar nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *