Beauty gustong baliin ang binti ni Dimples

Super palakpak talaga ang mga fan sa tarayan sa “Kadenang Ginto” dahil pasabog lagi ang linyahan sa hapon!

The post Beauty gustong baliin ang binti ni Dimples appeared first on Abante News Online.

beauty gustong baliin ang binti ni dimples - Beauty gustong baliin ang binti ni Dimples
Abante 2019 Beauty Gonzales - Beauty gustong baliin ang binti ni Dimples

Super palakpak talaga ang mga fan sa tarayan sa “Kadenang Ginto” dahil pasabog lagi ang linyahan sa hapon!

Sa teaser for this week, binitawan ni Romina (Beauty Gonzales) ang linyang “May heels akong mas mataas pa sa accomplishments mo” bilang pang-sindak kay Daniela (Dimples Romana). Class ang pagkaka-deliver pero may sindak!
Sumugod din si Daniela sa bahay ni Romina. Pero wala talagang inuurungan itong si Romina dahil may dala siyang dos por dos para paalisin si Daniela.

“Aalis ka rito, o baba­liin ko ‘yang binti mo?” tanong ni Mrs. Mondra­gon sa natatakot na si Daniela. May part pang ilulublob siya sa inidoro. Nakaka-stress!

Siyempre, bumawi rin sa tarayan si Marga (Andrea Brillantes) at binuhusan pa ng inu­min si Cassie (Francine Diaz) at sabay sabing “looks good on you” na para bang sinasabing basura lang si Cassie. Level-up na talaga ang pagiging mahadera ng batang ‘yan.

Pero hindi lang ang kuwento ang nagtataray ha, dahil sa TV ratings, palaban din ang “Kadenang Ginto.” Last week nga, humataw ang serye sa all-time high national TV rating na 26.9%, kumpara sa 11.9% ng “My Special Tatay,” base sa datos ng Kantar Media. Ang tindi ‘di ba, pang-primetime! (Dondon Sermino)

The post Beauty gustong baliin ang binti ni Dimples appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *