Beauty, Dimples guguluhin ni Richard Yap

Marami na ang e­xcited para sa bagong season ng “Kadenang Ginto” at kitang-kita ito sa mga nakakatawang memes mula sa teaser ng serye na nagkalat ngayon sa social media.

The post Beauty, Dimples guguluhin ni Richard Yap appeared first on Abante News Online.

beauty dimples guguluhin ni richard yap - Beauty, Dimples guguluhin ni Richard Yap
dimples 4 - Beauty, Dimples guguluhin ni Richard Yap

Marami na ang e­xcited para sa bagong season ng “Kadenang Ginto” at kitang-kita ito sa mga nakakatawang memes mula sa teaser ng serye na nagkalat ngayon sa social media.

Pasabog kasi ang ni-release na teaser. Si Daniela (Dimples Romana), ipinalugi ang kompanya at may dalang bagahe sa isang squatters area, samantalang si Romina (Beauty Gonzales) ay yayamanin pa rin at m­adam na madam sa kanyang gold gown at pagkagat ng golden apple.

May magdadagdag pa ng gulo sa buhay nila sa pagpasok ni Richard Yap sa serye bilang si Leon. Nakaka-excite ha!

Pero siyempre, hindi pinalampas ng netizens ang pagkakataong ipakita ang kanilang pagkasabik dahil kanya-kanya silang gawa ng memes.

Mayroon ding in-edit si Romina na lumulutang sa baha na suot ang gold gown niya. Napagdiskitahan din ang pagkagat niya sa gold na mansanas dahil siya raw pala ang may kasalanan kaya may bawas ang logo ng Apple.

Sa mga kaganapang ito, mukhang aabangan ng madla ang bagong season ng “Kadena.” Siguradong trending at hahataw na naman ito sa ratings! (Dondon Sermino)

The post Beauty, Dimples guguluhin ni Richard Yap appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *