Beauty binawalan ng ABS-CBN na ‘magbaliw-baliwan’

“Nangapitbahay lang ako, kumain ng lechon at bu-malik agad,” ito ang pabirong statement ni Beauty Gonzales nang usisain ang dapat sana ay pag-transfer niya sa GMA-7.

The post Beauty binawalan ng ABS-CBN na ‘magbaliw-baliwan’ appeared first on Abante News Online.

beauty binawalan ng abs cbn na magbaliw baliwan - Beauty binawalan ng ABS-CBN na ‘magbaliw-baliwan’
ABANTE beau - Beauty binawalan ng ABS-CBN na ‘magbaliw-baliwan’

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Beauty binawalan ng ABS-CBN na ‘magbaliw-baliwan’“Nangapitbahay lang ako, kumain ng lechon at bu-malik agad,” ito ang pabirong statement ni Beauty Gonzales nang usisain ang dapat sana ay pag-transfer niya sa GMA-7.

Hindi naman itinanggi ng Dreamscape (production team ng “Kadenang Ginto”) na may pag-uusap na noon sa pag-transfer ni Beauty sa Kapuso Network, pero napigil lang ito nang ialok sa kanya ang nasabing serye.

Kuwento ng Dreamscape head na si Deo Edrinal, si Direk Lauren Dyogi ang nagsabi sa kanyang kunin ito para mag-lead sa seryeng gagawin ng team nila.

Hindi naman nagdalawang isip si Deo at agad namang kinausap, sinuyo at pinagpaliwanagan si Beauty sa magiging status nito kapag tinanggap niya ang serye.

Sinabi pa ni Deo habang kausap nito si Beauty na:
“Heto na, heto na ‘yan, huwag ka nang magbaliw-baliwan.”

Nag-react naman si Beauty at sinabi nitong bumisita lang siya sa kabilang network at nakikain, pero umuwi rin sa kanyang bahay ang Kapamilya.

Hindi ko pinangarap sumikat – Romina

Naging emotional si Beauty nang magpasalamat siya sa press sa tulong at motivation na ibinigay ng mga ito sa kanya. Ramdam daw niyang tanggap na siya ngayon bilang isang mahusay na aktres.

Hindi pinangarap ni Beauty ang maging lead actress o maging sikat.

Kuntento na siyang maging best friend ng bida na mahusay umarte.

Kaya nga laking pasasalamat niya sa Dreamscape sa tiwala ng mga itong ibigay sa kanya ang role ni Romina.

“Kaya ko ba ‘to?” ang u-nang reaksyon ni Beauty nang ialok sa kanya ang role.

Nag-senti at naging emotional ulit si Beauty sa pana-yam namin ni Dondon Sermino sa kanya sa “Abantelliling” (na mapapanood sa Abante News Online Facebook page at YouTube).

Richard Yap walang balak lumipat sa Kapuso

Itinanggi ni Richard Yap ang bali-balitang kumalat nitong mga nakaraang linggo na lilipat na siya sa Kapuso network, at iiwan na ang Kapamilya station.

Sa presscon ng “Kadenang Ginto” diretsahan niyang sinabi na walang ideya o attempt na lumipat sa GMA-7, dahil ang talagang intensyon at plano niya ay magpahinga muna nang ilang buwan matapos ang pangangampanya nitong eleksyon sa Cebu.

Dalawa hanggang tatlong buwan sana ang ibinigay ni Richard na pahinga bago siya sumabak ulit sa telebisyon, pero matapos ang eleksyon ay inalok na siya agad ng Dreamscape na maging bahagi ng “Kadenang Ginto.”

Sa ganda ng role na ibinigay sa kanya, hindi ito natanggihan ni Richard.

Medyo napi-pressure lang daw siya, at the same time ay excited sa pagsali sa teleserye, lalo at parehong mahuhusay na aktres ang makakasama niya na sina Beauty at Dimples Romana.

Magiging malaki ang partisipasyon ni Richard sa pagbangon ni Romina (Beauty).

Anyways, mukhang mas madadagdagan pa ang manonood ng KG. Ibinalita niyang marami siyang mga kaibigan at fans sa Amerika na gustong mag-subscribe ng TFC dahil sa pagpasok niya sa “Kadenang Ginto.”

The post Beauty binawalan ng ABS-CBN na ‘magbaliw-baliwan’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *