Beauty ayaw patalbog kay Dimples

Kung napagod si Dimples Romana bilang Daniell­a Mondragon (ng “Kadenang Ginto”) sa mga meme na ginawa sa kanya ng mga netizen, na kung saan ay pinaglakad nga siya sa kung saan-saang lugar, event, bansa, na bitbit ang pulang maleta habang nakasuot ng matingkad na red na dress, ibang-iba at tila nag-enjoy naman si Beauty Gonzales sa mga meme na ginawa sa kanya ng mga fan.

The post Beauty ayaw patalbog kay Dimples appeared first on Abante News Online.

beauty ayaw patalbog kay dimples - Beauty ayaw patalbog kay Dimples
beauty 2 - Beauty ayaw patalbog kay Dimples

Super rampa rin:

Kung napagod si Dimples Romana bilang Daniell­a Mondragon (ng “Kadenang Ginto”) sa mga meme na ginawa sa kanya ng mga netizen, na kung saan ay pinaglakad nga siya sa kung saan-saang lugar, event, bansa, na bitbit ang pulang maleta habang nakasuot ng matingkad na red na dress, ibang-iba at tila nag-enjoy naman si Beauty Gonzales sa mga meme na ginawa sa kanya ng mga fan.

Eh kasi nga, sa “Kadenang Ginto” ay mayaman pa rin at donyang-donya ang dating ni Beauty. Ang ginamit na photo nga niya ay ‘yung nakaupo siya sa isang mamahaling sofa, suot ang kanyang kulay gintong dress, habang may kagat-kagat na golden apple.

Bilang si Romina, makikita nga rin ang mga meme ni Beauty na para siyang lumulutang sa baha na suot ang gold gown. May iba rin na nakahiga siya sa kalabaw na hila-hila ni Dimples.

Meron din naman na kasali si Romina/Beauty sa cheering squad at siya ang nasa tuktok na bitbit ng mga ka-member niya. Meron din na nasa ituktok siya ng building, sa harap ng simbahan, sa garden, sa loob ng eroplano, sa eskuwelahan, at sa dagat.

Well, hanggang kailan kaya ang labanan na ito nina Romina at Daniella? At saan-saan kaya sila makakarating? Kaaliw, ‘di ba? (Dondon Sermino)

The post Beauty ayaw patalbog kay Dimples appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *