Beauty ayaw maging friend si Dimples

Bumisita ang bida ng “Kadenang Ginto” na si Beauty Gonzales sa “Magandang Buhay” at nakipagkulitan sa momshies upang i-celebrate ang 10 years niya sa showbiz.

The post Beauty ayaw maging friend si Dimples appeared first on Abante News Online.

beauty ayaw maging friend si dimples - Beauty ayaw maging friend si Dimples
beauty 1 - Beauty ayaw maging friend si Dimples

Ni D­ondon Sermino

Bumisita ang bida ng “Kadenang Ginto” na si Beauty Gonzales sa “Magandang Buhay” at nakipagkulitan sa momshies upang i-celebrate ang 10 years niya sa showbiz.

Una nating nakilala si Beauty sa “PBB,” pero ngayon, certified actress na ang sexy mommy. “For 10 years, ngayon ko lang naramdaman na sobrang pumatok ‘yung character ko. Ngayon lang ako nanalo ng best actress award.”

Aminado naman siya na hindi masyadong close in real life kay Dimples. Hindi rin nga sila magkasama sa tent. “Me and Dimples, we stay in different tents. We wanted it that way so ‘di kami maging close in real life. Kung maging close ko siya, maaawa ako sa kanya,” revelation ni Beauty.

‘Yun naman pala. At least hindi sila magkaaway ‘di ba?

Sinorpresa din siya ng kanyang friend na si Shy Runkle na nakasama niya rin noon sa “PBB.” Noong panahong buntis si Beauty, siya pala ang takbuhan ng “Kadenang Ginto” star.

“Sabi niya, ‘Paano maging mabuting ina? Konti pa lang din pinagdaraanan ko. Kaya mo ‘yan. Lahat naman ng gagawin mo para sa anak mo eh,’” payo raw ni Shy.

Hindi rin naman nagpaawat ang tatlong momshies sa kulitan dahil umarte sila bilang Daniela nang naka-wig at kunwaring nakikipagtara-yan kay Beauty. Bentang-benta kahit ulit-ulitin sa iWant.

Congrats kay Beauty sa 10 years niya sa showbiz. Sana nga ay patuloy pang umalagwa ang career niya.

The post Beauty ayaw maging friend si Dimples appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *