Bea susugod sa probinsya ni Gerald

Mauuna pala ang shooting ng pelikulang pagtatambalan nina Richard Gutierrez at Bea Alonzo (kasama nila si A­ngelica Panganiban) bago ang taping ng kanilang teleserye sa ABS-CBN.

bea susugod sa probinsya ni gerald - Bea susugod sa probinsya ni Gerald
ABANTE bea 2 - Bea susugod sa probinsya ni Gerald

Mauuna pala ang shooting ng pelikulang pagtatambalan nina Richard Gutierrez at Bea Alonzo (kasama nila si A­ngelica Panganiban) bago ang taping ng kanilang teleserye sa ABS-CBN.

Balitang sa General Santos ang location ng nasabing teleserye. Taga-General Santos si Gerald Anderson, ang ex-boyfriend ni Bea (kahit hindi official ang paghihiwalay nila dahil dinedma na lang daw ng aktor ang girlfriend).

May tanong ako, kung matutuloy pa ba sa Gene-ral Santos ang taping ng teleserye nina Richard at Bea at may sumagot na sa akin.

Two weeks daw magti-taping sa General Santos ang nasabing teleserye.
Naka-blocked-off na raw ang two weeks ta-ping doon.

Teka! Hindi kaya magkataon na umuwi roon si Gerald at doon pa sila magkita ni Bea?

Baka lang… alam mo naman ang pagkakataon, mapagbiro kung minsan, huh! (Jun Lalin)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *