Bea naluha, natuwa sa wedding proposal

Bea naluha, natuwa sa wedding proposal

Naunahan na si Bea Alonzo ng kanyang kapatid na gumawa ng sariling pamilya. Naka-post sa Instagram ni Bea ang larawan ng kanyang kapatid na lalaki na nakayakap sa isang babae.

bea naluha natuwa sa wedding proposal - Bea naluha, natuwa sa wedding proposal
bea alonzo 2 - Bea naluha, natuwa sa wedding proposal

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 31 336x224 - Bea naluha, natuwa sa wedding proposalNaunahan na si Bea Alonzo ng kanyang kapatid na gumawa ng sariling pamilya. Naka-post sa Instagram ni Bea ang larawan ng kanyang kapatid na lalaki na nakayakap sa isang babae.

Inakala ng marami na si Bea ang babaeng kayakap ng lalaki at nakahanap na ito ng bagong pag-ibig. Pero sa caption, malalaman na larawan pala ito ng kapatid na katatapos lang mag-propose sa kanyang kasintahan.

Kuwento ni Bea, nasa gitna sila ng birthday celebration niya kasama ang buong pamilya nang biglang mag-propose ang kanyang kapatid sa harap nila.

Isa ito sa mga tinutukoy ni Bea na mga pagbabago sa kanya at sa paligid, na labis niyang ikinatuwa at ikinaluha. Ibinahagi ni Bea ang larawang ito sa netizen dahil sa kasiyahan niyang ma-witness ang tunay na love sa dalawang tao.

Sa gitna ng healing at moving on ni Bea, napalitan naman ito ng isang magandang pangyayari sa kanyang pamilya, na nagpa-realize sa kanyang may pag-asa pa sa panibagong pag-ibig na haharapin niya.

Valeen, Riel super harutan sa Spain

Idinuduyan sa ulap sa kaligayahan si Valeen Montenegro sa piling ng kasintahan niyang photographer. Nakabalandra sa Instagram ni Valeen ang mga larawang kuha sa bakasyon nila ng kasintahan na si Riel Manuel, sa Spain.

Makikita sa mga pinosteng larawan ni Valeen ang mga shot na magkasama silang dalawa at nasa mood na naghaharutan.

Ayon sa caption ng mga larawan, naiilang daw silang dalawa ni Riel kapag nagkakatinginan silang dalawa kaya naman lagi silang nagtatawanan.

Natutukso tuloy si Valeen ng kanyang mga kaibigan sa comment ng mga ito sa post at sinabing mukhang nangangarap ang Kapuso star na makatanggap ito ng engagement proposal.

Sa ganda ng lugar at shots nina Valeen at ni Riel, aakalain ng sinumang nakasilip ng post na parang pre-nup na ang bakasyon nilang dalawa.

Nanette Medved nagbigay-tulong sa mga bata sa Mindanao

Tuloy-tuloy lang si Nanette Medved sa kanyang advocacy na magbigay ng tulong sa mga kapus-palad at naapektuhang mga bata sa Mindanao.

Kakatapos lang ng launching ng kanyang HOPE Foundation na dinaluhan ng mga celebrity, agad ngang dinala ni Nanette ang mga naipon niya sa Mindanao.

Naka-post sa Instagram ng dating aktres ang larawan kasama ang isang batalyon ng military sa Mindanao. Nagpasalamat si Nanette sa Philippine Army 512th Kaagay Battalion at kay 52nd Kaayadan Brigade sa General Santos sa pag-agapay sa kanya sa misyon na ito.

Isa sa mga project ni Nanette ay ang magtayo ng mga eskuwelahan para sa mga bata sa Mindanao.

Galing siya sa tribu ng mga indigenous tribe sa Colot. Nagpahayag ng pagnanais niyang bumalik ulit sa lugar ang philanthropist.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *