Bea nagkapantal sa stress

bea1

Noong Thursday ay nagkaroon ng pictorial ang Metro magazine sa City of Dreams para sa kanilang 30th anniversary.

bea nagkapantal sa stress - Bea nagkapantal sa stress
bea1 - Bea nagkapantal sa stress

abante anything goes jun lalin 336x224 - Bea nagkapantal sa stressNoong Thursday ay nagkaroon ng pictorial ang Metro magazine sa City of Dreams para sa kanilang 30th anniversary.

Bongga ang lineup ng stars para sa pictorial na ‘yon.

Heto ang schedule:
1) Sarah Lahbati – 9AM; 2) Judy Ann Santos - 10AM; 3) Joey Mead King - 10AM; 4) Heart Evangelista - 11AM; 5) Megan Young – 11AM; 6) Toni Gonzaga – 12NN; 7) Angel Aquino – 1PM; 8) Bea Alonzo – 1PM; 9) Ruffa Gutierrez – 1:30PM; 10) Claudine Barretto – 2PM.

Ang tsika, akala raw ay hindi makakasipot doon si Bea, “Pero dumating pa rin siya kahit may hives siya! Last minute, she arrived!”

So, ano ba ang hives? Sa pag-Google ko, heto ang lumabas, “Hives is a common skin rash triggered by many things including certain foods, medications, and stress.”

So, na-stress kaya si Bea dahil sa issue sa kanilang tatlo nina Ge­rald Anderson at Julia Barretto, kaya siya nagka-rashes?

Posible, pero who knows?!

Julia, Gerald haharapin ni Basha sa Sept. 14

Anyway, heto na ang latest – posible pala na magkita ang tatlong controversial personalities dahil sa September 14 na gaganapin ang 2nd ABS-CBN Ball sa Shangri-La The Fort.

Hindi raw aatras doon si Bea! Sure na sure na raw si Bea aka Basha na a-attend at pinahahanda na raw ang Modern Fili­pino outfit niya dahil ‘yon ang theme ngayong taon na ito ng prestigious event ng Kapamilya network, ‘noh?!

Tiyak daw na si Bea ang magiging center of attraction sa event na ‘yon at kung darating din sina Gerald at Julia ay siguradong ang mga ikikilos nila doon ang tututukan, huh!

Ang bongga! Kaabang-abang lalo ang event na ‘yon ng Dos!

Regine, Sharon magbebenta ng mga tiket ngayon

Naku, sana ay hindi na malakas ang ulan ngayon at humupa na ang baha dahil ngayon pa naman ang first day ng pagbebenta ng tickets para sa “Iconic” concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid.

Sa Araneta Coliseum magaganap ang “Iconic” on October 18 & 19 at excited na ang fans ng Megastar at ng Asia’s Songbird na makabili today ng tickets!
Anyway, kung sakaling malakas pa rin ang ulan at baha pa nga, puwede namang makabili ng tickets online sa tic­ketnet.com.ph, huh!

Inaasahang maso-sold out kaagad ang tic­kets sa “Iconic”, kaya may duda ako na may third night ang concert na ito nina Sharon at Regine, ‘noh?!
Actually, hindi lang common fans ang excited para rito, marami ring celebrities na nag-i-inquirer para makabili ng tickets, huh!

Baka nga by the time na binabasa n’yo ito ay marami nang nabiling VIP tickets, huh!

Usually kasi, ang mamahaling tickets ang mas nauunang nauubos!
Right, Dondon?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *