Bea, Lloydie dinner date nagpakilig sa mga fan

Ang daming kinilig sa ‘paandar’ nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, na magkasama nga sa isang sasakyan. Ang bongga nga na makitang muli ang dalawa na chika-chika at masayang-masaya.

The post Bea, Lloydie dinner date nagpakilig sa mga fan first appeared on Abante.

bea lloydie dinner date nagpakilig sa mga fan - Bea, Lloydie dinner date nagpakilig sa mga fan
bea lloydieee - Bea, Lloydie dinner date nagpakilig sa mga fan

Dondon Sermino Paistaran 1 1 300x200 - Bea, Lloydie dinner date nagpakilig sa mga fanAng daming kinilig sa ‘paandar’ nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, na magkasama nga sa isang sasakyan. Ang bongga nga na makitang muli ang dalawa na chika-chika at masayang-masaya.

Anyway, sa Instagram story nga nasilip ang dalawa na magkasama, dahil binati nila ng happy birthday ang kaibigan nilang si Dimples Romana, na nakasama nila sa pelikulang One More Chance

Malapit na kaibigan ni Bea si Dimples, at ganun na lang ang pagmamahal niya rito.

“Happy birthday mars. Love you… May isa pang babati sa iyo,” sabi ni Bea sa video, at nag-focus nga sa lalakeng katabi niya sa kotse.

“Na walang buckle. Happy birthday Dimps,” sabi naman ni John Lloyd, na kahit madilim ang loob ng car ay lutang pa rin ang kaguwapuhan.

“Hahahahaha! Love you Marsssss….” sey ulit ni Bea.

“Sorry… Sorry na po…” sabi naman ni Lloydie.

Anyway, may mga nagsabi na nakita raw ang dalawa sa isang restoran sa bandang BGC, The Fort. Nag-dinner nga raw ang dalawa, kaya lalong kinilig ang mga fan, ha!

Wish ng mga fan, sana ay mabuhay ulit ang tandem nina Popoy at Basha. Sana nga…

Alden, December Avenue manghaharana

Excited na ang mga fan sa nalalapit na virtual reality concert ni Alden Richards, ang Alden’s Reality. Bukod kasi sa world-class performances na inihanda ng Asia’s Multimedia Star, marami pang sorpresa ang dapat tutukan sa gabing ito.

Kasama sa magiging special guests ni Alden ang sikat na bandang December Avenue. Siguradong kilig vibes ang hatid ng mga haranang gagawin nila kasama ang Kapuso star.

Almost sold out na rin ang tickets para sa ‘Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert’ kaya naman kung hindi pa nakakabili, huwag na mag-atubiling bisitahin ang www.gmanetwork.com/synergy bago pa maubusan!

Pau na-inspire kay Khel

May bagong kanta ang ‘not so famous’ girl next door na si Pau Palacio, ang “Sa Taas,” na collaboration niya with Khel Pangilinan.

Sabi ay may iba-ibang kahulugan ang kantang ito, depende sa mga nakikinig.

“As for me, I always don’t give direct meaning as I think it gives out the mystery and art of the song,” sabi ni Pau.

Pero para sa 20-year-old artist, “Sa Taas” is a labor of love along with the record label and Khel, who inspired her in many ways.

“I am so excited for everyone to hear it because my team and I poured so much love for it. I am very blessed to be surrounded by talented people–my team and my label–who inspired me and guided me to figure out my own voice and sound,” she says.

“I learned a lot through this process especially from Michael (Pangilinan).”

The new track is now available in major digital music platforms, including iTunes, Apple Music, YouTube and Spotify.

The post Bea, Lloydie dinner date nagpakilig sa mga fan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *