Bea kinilig sa surpresa ni Dominic

Nagpaulan ng kilig si Dominic Roque sa Instagram dahil sa ikalawang pagkakataon ay ipinakita niya ang pagmamahal sa rumored girlfriend na si Bea Alonzo.

The post Bea kinilig sa surpresa ni Dominic first appeared on Abante.

bea kinilig sa surpresa ni dominic - Bea kinilig sa surpresa ni Dominic
bea 5 - Bea kinilig sa surpresa ni Dominic

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Bea kinilig sa surpresa ni DominicNagpaulan ng kilig si Dominic Roque sa Instagram dahil sa ikalawang pagkakataon ay ipinakita niya ang pagmamahal sa rumored girlfriend na si Bea Alonzo.

Nakaposte sa IG ng aktor ang larawan nila ni Bea na magkaharap habang nakasandal sa pader. Kuha ang larawan sa abroad.

Nasa caption ang pagbati ni Dominic ng ‘happy birthday’ kay Bea.

Simple lang sana ang post, pero dahil maugong ang balita tungkol sa itinatago nilang relationship, kaya nakaramdam agad ng ilusyon ang mga supporter, friends ng dalawa, na naniniwalang magdyowa nga sila.

Dahil galing nga sa isang masaklap na break up si Bea, kay Gerald Anderson, parang nagkaroon na ng kampanya at nakikisimpatiya sa aktres na itulak ito sa isang mas deserving na lalake, at ito nga ay si Dominic.

Anyway, mababasa sa mga comment, reaction ng mga follower ni Dominic na kinikilig sila sa larawang ito. Kumpirmasyon na lang sa dalawa ang hinihintay ng kanilang mga fan, para sa mas ganap na kilig sa kanila.

Mababasa rin ang reaksiyon ni Bea, at tila kinilig ito ha!

Trato kay Reina Mae kademonyohan — Enchong

Kabilang si Enchong Dee sa mga celebrity na nagpahayag ng pagtutol sa pagturing ng mga otoridad kay Reina Mae Nasino, sa libing ng anak niyang si Baby River.

Gaya ng dapat asahan, bilang hayagang kritiko ng Duterte administration, hindi pinalampas ni Enchong ang isyu, at muli ay binanatan ng aktor ang gobyerno at kunsensiyahin ang mga otoridad sa hindi pagtanggal sa posas ni Reina Mae.

Sa pinoste nitong larawan ng kaganapan sa libing sa kanyang Twitter, sinabi nitong “evil act” ang ginawang trato sa kinasuhang aktibista.

“When they suppress our power, it’s because they are afraid of how much power we hold. For until when will we allow this to happen?

“To the dude who said this is a humane gov’t (tbl) sorry but Philippine history will provide chapters of evil and poor act and we shall never forget,” saad ni Enchong.

Bumanat din si Anne Curtis sa nasabing isyu.

‘Santol’ ni Bailey pinanggigilan

Pinanggigilan ng mga netizen ang santol ng international star, Kapamilya homegrown talent na si Bailey May. Nagposte si Bailey sa Instagram ng topless photo niya.

Ang layunin ni Bailey ay makita ang sarili at ipakita rin sa kanyang mga fan ang toned muscles niya. Nalasap sa paningin ng mga supporter ang kamachohan ni Bailey sa ganda ng kanyang katawan.

Hindi nakaligtas sa paningin ng mga follower nito ang nakabukol na sandata ng singer sa suot nitong cotton jogging pants. Kaya nga kasabay ng pananakam na nararamdaman ng nagnanasa kay Bailey ay ang panunuyo ng kanilang mga lalamunan sa naiisip na kalaswaan sa santol nito.

Kung ano-ano ang comment na mababasa sa photo mula sa kanyang mga supporter. Merong sumisigaw ng “te amo” (i love you), “marry me” at nagsabing masarap si Bailey.

Inudyukang pakasal: Vickie, Jason 10 taon na relasyon

Umaasa si Jason Abalos na makikilala rin ng kanyang mga kababayan sa Nueva Ecija ang kasintahang si Vickie Rushton.

Sa video na pinoste ni Jason sa Instagram na naglalakad sa kalsada ang girlfriend niya na malapit sa ilog, sinabi ng aktor ang pangarap niyang mailapit at makilala ng mga taga-Pantabangan si Vickie.

“Diyan ako natuto lumangoy, natuto manghuli ng isda, natuto sa buhay. Baba, kahapon Oct. 16 anniversary ng ating unang pagkikita sa Bacolod. Sampung taon na tayo magkakilala Baba, madalas ka na sa bayan na to, sana makilala ka din mg mga taong nakakakilala sa akin dito, I love you,” sey ni Jason.

Anyway, marami naman ang nag-udyok sa dalawa na magpakasal na, lalo at isang dekada na nga ang relasyon nila, ha!

The post Bea kinilig sa surpresa ni Dominic first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *