Bea, John Lloyd nakitang magkasama sa Palawan

Biglang nabuhay ang dugo ng mga tagahanga nina Basha at Popoy sa biglang paglabas ng mga photo na magkasama ang mga idolo nila. Kuha sa Palawan ang mga photo na ‘yon, na may mga kasamang ibang tao.

The post Bea, John Lloyd nakitang magkasama sa Palawan appeared first on Abante News Online.

bea john lloyd nakitang magkasama sa palawan - Bea, John Lloyd nakitang magkasama sa Palawan
ABANTE bea lloyd - Bea, John Lloyd nakitang magkasama sa Palawan

By Dondon Sermino

Popoy, Basha binuhay

Biglang nabuhay ang dugo ng mga tagahanga nina Basha at Popoy sa biglang paglabas ng mga photo na magkasama ang mga idolo nila. Kuha sa Palawan ang mga photo na ‘yon, na may mga kasamang ibang tao.

Makikita rin ang mga photo na ‘yon sa Facebook page ng Balitang Palawan. Nagpasalamat din sila kay Bea dahil sa ipinost, ishinare nga raw nito ang Balitang Palawan Facebook page, na malaking tulong sa kanila.

“Thank you idol Bea Alonzo for sha-ring Balitang Palawan page. God bless sa comeback niyo ni John Llyod Cruz. #PopoyAndBasha #BeaAlonzo #BalitangPalawan,” ang caption sa photo na ‘yon nina Bea at John Lloyd.

Ang tanong, magkasama ba silang nagbakasyon sa Palawan nu’ng mga oras na ‘yon? May mga pa-caption pa kasi sa mga photo na ganito: “SPOTTED: John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, nagbakasyon together!”

Makikita rin sa Facebook account ni Virfe Bacaling Fabul ang mga photo na ‘yon.

Well, sapat na nga ang mga photo na ‘yon para mabuhay muli ang dugo ng mga umaasang magkakabalikan sina Basha at Popoy, ha! At sa true lang, nag-iiba ang dating ng itsura ni John Lloyd kapag si Bea na ang katabi niya, kahit mahaba ang buhok niya, na puno ng mga bigote at balbas ang kanyang mukha, lumalabas ang kaguwapuhan niya kapag nakangiti na siya, at sa tabi ni Bea, ha!

Well, sana nga ay magtuloy-tuloy na ang pagsasama nina Bea at John Lloyd. Bukod kasi sa mga photo na magkatabi sila at may kasamang mga fan, makikita rin ang mga sunod-sunod na photo na magkaharap sila, na tipong nagdi-dinner, o nagla-lunch date.

At kung itutuloy mo ang pag-swipe sa mga photo, makikita mo na may mga tao sa paligid nila, na sinu-shoot nga sila. Merong may hawak ng kamera, may hawak ng ilaw, at may iba pang mga tao sa paligid na obyus naman na part ng production.

May kinalaman kaya ang ini-endorso ni John Lloyd na Turks na kung saan ay una ngang nag-post din si Bea ng photo na ‘yon ni Lloydie na kumakain?
Well, sa ngayon ay puro sana ang puwede nating sabihin, na sana nga ay may napag-usapan pang ibang project ang da-lawa, na sana nga ay mabuhay muli ang interest ni Lloydie sa paggawa ng pelikula, na sana nga ay mapagbigyan talaga nila ang hiling ng mga fan nila.
Sana nga…

The post Bea, John Lloyd nakitang magkasama sa Palawan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *