Bea, John Lloyd love team bubuhayin

Marami ang tumili, kinilig sa balita, na magbabalik tambalan sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Kaabang-abang daw talaga sa lahat ang pagsasamang muli nina John Lloyd at Bea.

The post Bea, John Lloyd love team bubuhayin first appeared on Abante.

bea john lloyd love team bubuhayin - Bea, John Lloyd love team bubuhayin
john lloyd and bea - Bea, John Lloyd love team bubuhayin

Marami ang tumili, kinilig sa balita, na magbabalik tambalan sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Kaabang-abang daw talaga sa lahat ang pagsasamang muli nina John Lloyd at Bea.

Sa totoo lang, marami talaga ang nasasabik na makitang magkasama sa big screen sina Bea at Lloydie, kaya dasal ng mga fan na sana ay matuloy na talaga ngayon.

Si Direk Cathy Garcia Molina rin ang nakatakdang magdirek nito, at sana ay sa Florence, Italy ito isu-shoot. Pero, dahil pa rin sa pandemic ay hindi nga ito natuloy.

Sa ngayon nga ay tinututukan pa rin nila ang paggawa ng script nito, at nakikiusap nga ang Star Cinema, lalo na si Direk Olive Lamasan, na sana ay makipagkita na sa kanila sina Bea at John Lloyd, at mapag-usapan kung ano ang mas maganda nilang dapat gawin. Gusto nilang marinig ang boses ng dalawa pagdating sa kuwento na gusto nilang gawin.

So sa mga fan, dasal-dasal talaga para matupad na ang dream niyo. (Dondon Sermino)

The post Bea, John Lloyd love team bubuhayin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *