Bea, Gerald, Julia paboritong pulutan sa Amerika

In fairness, ilang weeks na rin naman ang issue kina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto, pero mainit pa rin ‘yon hanggang ngayon.

bea gerald julia paboritong pulutan sa amerika - Bea, Gerald, Julia paboritong pulutan sa Amerika
abante Bea 1 - Bea, Gerald, Julia paboritong pulutan sa Amerika

abante anything goes jun lalin 336x224 - Bea, Gerald, Julia paboritong pulutan sa AmerikaIn fairness, ilang weeks na rin naman ang issue kina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto, pero mainit pa rin ‘yon hanggang ngayon.

Kaloka nga dahil nang mag-cover ako ng Two-gether Again kick-off US concert tour nina Martin Nievera at Pops Fernandez noong Saturday sa The Palace Theater sa downtown Los Angeles, California, ang “latest” pa rin sa “triangle” ng tatlo ang inuusisa sa akin ng mga Pinoy roon.

Talagang sina Bea, Gerald at Julia pa rin ang paboritong “sawsawan” ng mga Pinoy, huh!

Ano kayang big showbiz news ang makakatalbog sa issue sa tatlo?

Once kaya na magsalita na si Ellen Adarna ng totoong dahilan ng hiwalayan daw nila ni John Lloyd Cruz ay matalbugan na ang issue kina Bea, Gerald at Julia?

Posible!
***
Kathryn, Daniel magku-concert sa US

May mga Kath­Niel fan na nagtatanong kung kailan ba susundan ng reel & real life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang blockbuster movie nila na “The Hows Of Us” na last year pa ipinalabas.

Ang sabi ng isang malapit sa nanay ni Dani­el na si Karla Estrada, ready na raw ang Kath­Niel for a movie next year. Siyempre, nasasa­bik ang mga KathNiel fan na mapanood uli ang dalawa.

Marami nga sa fan ng mag-sweethearts ang nagsasabing tiyak daw na mas magiging bongga pa ‘yon sa “The Hows Of Us” dahil sabik na sabik na sila sa dalawa.

Anyway, nag-announce na ang concert producer na si Lerma dela Cruz na may One Magical Night concert tour ngayong October ang KathNiel at makakasama nila roon si JM de Guzman plus Eric Nicolas at Marcelito Pomoy, kaya tiyak na sasaya na naman ang fans nina Kathryn at Daniel abroad.

***
Nathalie Hart nganga pa rin sa TV, movie project

More than a month na sa bansa si Nathalie Hart, pero wala pa siyang nasisimulang project dahil namimili na rin naman siya ng gagawin.

Sa ngayon, tutok daw si Nathalie sa anak na si Penelope, pero may yaya na rin naman siya para sa kanyang baby dahil para kung sakaling mag-start siya ng project ay may mag-aalaga sa kanyang baby.

Dahil nanay na, kapag kakuwentuhan ng kanyang mga kaibigan si Nathalie ay madalas na si Penelope ang kanilang topic.

***
Maris naka-move on na sa hiwalayan kay Iñigo

Kahit nag-dialogue si Maris Racal before na “brinoke” ni Iñigo Pascual ang kanyang heart, mukhang wala namang problema sa pagitan ng dalawa.

Sa katunayan, guest pa rin si Maris sa Father & Son Canada concert tour 2019 ng mag-amang Piolo Pascual at Iñigo.

At least, maganda naman ‘yon na kahit naghiwalay sila ay very professional naman sila at puwede pa ring magtrabaho together.

At least, madali silang nakapag-move on, huh! Ang bongga!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *