Bea, Gerald, Julia isang ektarya ang layo

Dumalo sa ABS-CBN Ball 2019 sina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto pero hindi nagkita-kita ang tatlo sa nasabing event.

bea gerald julia isang ektarya ang layo - Bea, Gerald, Julia isang ektarya ang layo
bea 5 - Bea, Gerald, Julia isang ektarya ang layo

Dumalo sa ABS-CBN Ball 2019 sina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto pero hindi nagkita-kita ang tatlo sa nasabing event.

Tsika ng aming source, tila naging napakalaki ng ballroom ng Shangri-La at the Fort para sa tatlong Kapamilya stars.

“Na-blocking naman sila. Magkakahiwalay sila ng table. Parang isang ektarya ang layo nila sa isa’t isa!” natatawang tsika ng aming source.

Masaya raw at walang masyadong ganap sa ball na ang tema ay modern Filipiniana. Wala rin daw nalasing na nagwala. Ha! Ha!

Nangabog si Bea sa kanyang sexy assymetrical black gown ni Jun Escario with oversized butterfly sleeve, na ang sabi ni Bea ay modern rendition ng Balintawak dress. (Allan Diones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *