Bea, Gerald ginamit sa ‘Tangina’ ni Kean

Ginagamit ni Kean Cipriano sina Bea Alonzo at Gerald Anderson para sa promo ng latest single niyang “Tangina”. Naka-post sa social media ang isang eksena nina Bea at Gerald sa pelikulang “How To Be Yours” kung saan kinukunsensya ni Gerald si Bea sa pagiging unfair nito sa kanilang relasyon.

bea gerald ginamit sa tangina ni kean - Bea, Gerald ginamit sa ‘Tangina’ ni Kean
bea x gerald - Bea, Gerald ginamit sa ‘Tangina’ ni Kean

Ginagamit ni Kean Cipriano sina Bea Alonzo at Gerald Anderson para sa promo ng latest single niyang “Tangina”. Naka-post sa social media ang isang eksena nina Bea at Gerald sa pelikulang “How To Be Yours” kung saan kinukunsensya ni Gerald si Bea sa pagiging unfair nito sa kanilang relasyon.

Sinambit ni Gerald ang salitang “T*ng ina” sa linya nito kay Bea at ang pagkapuno nito sa one-sided nilang relasyon. Ito ang ginamit ni Kean para ipasok ang chorus ng kanyang kanta na may linyang “Tangina”.

Viral ang tila naging soundtrack ng eksena lalo’t mainit pa rin naman ang controversy sa break-up nina Bea at Gerald. Nakatulong ang video clip para mas magkaroon ng interest ang mga netizen na pakinggan ang music.

Ang tanong lang naman ng iba, may permiso ba ng Star Cinema ang paggamit ni Kean sa clip? (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *