Bea dedma sa panlalait ng mga fan kay Dominic

‘Grabe naman ang ganda mo!’ ang reaksiyon ni Dominic Roque sa Instagram post ni Bea Alonzo ng mga larawan na kasama niya ang mga kaibigan.

bea dedma sa panlalait ng mga fan kay dominic - Bea dedma sa panlalait ng mga fan kay Dominic
bea doms - Bea dedma sa panlalait ng mga fan kay Dominic

‘Grabe naman ang ganda mo!’ ang reaksiyon ni Dominic Roque sa Instagram post ni Bea Alonzo ng mga larawan na kasama niya ang mga kaibigan.

“Flashback to last year, when I went to Bali to celebrate two of my friends’ bridal showers. Last trip ko na pala yun with my highschool barkada before the “new normal”. I’m glad we were able to travel together again after a long time,” caption ni Bea.

At siyempre, dahil sa comment na `yon ni Dominic, sangkatutak na reaksiyon ang hinamig nito. Umabot na sa kulang-kulang ang komento, na nagtatalo-talo ang mga fan na pabor at hindi pabor kay Dominic para kay Bea.

May mga nangmaliit sa pagkatao ni Dominic, na kesyo hindi bagay kay Bea. Dahil wala raw career si Dominic kumpara kay Bea.

Kaloka, di ba? Pero, nagtataka lang ang iba, na parang dedma lang si Bea sa reaksiyon ng mga fan niya, o panlalait ng mga fan niya, sa sabi-sabing boyfriend niya ngayon? Bakit kaya? (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *