Bea ‘bumitaw’ na kay Gerald

Kanya-kanyang espekulasyon ang mga fan dahil sa sunod-sunod na patutsada ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram story.

The post Bea ‘bumitaw’ na kay Gerald appeared first on Abante News Online.

bea bumitaw na kay gerald - Bea ‘bumitaw’ na kay Gerald
abante Bea - Bea ‘bumitaw’ na kay Gerald

Dahil sa pic with Julia:

Kanya-kanyang espekulasyon ang mga fan dahil sa sunod-sunod na patutsada ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram story.

Nag-post nga si Bea ng kulay itim na litrato sa kanyang IG, na nilagyan niya ng caption na, “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH.”

Nagbahagi rin si Bea sa kanyang Instagram story ng quotation na: “Something I learned about people… If they do it once, they’ll do it again.”
Ang kongklusyon ng maraming fan, may kinalaman umano ito sa Instagram post ng isang fan tungkol kina Julia Barretto at Gerald Anderson.

May fan na nag-post ng stolen picture nina Gerald at Julia na diumano ay magkasamang pumunta sa birthday party ni Rayver Cruz.

“Para sa lahat ng nagsasabi na nagsisinungaling and naninira lang. NOPE. I’m not lying. And ano makukuha ko dun? There you go! Yan na lang ipakita ko. Hindi lang keme friends dahil b-day ni Rayver. Hello. They went on the same car together alone and iba gestures nila.

“Tinatago man halata pa din okay. I don’t like to assume or judge pero kawawa kase and sobrang manloloko. I already sent a message to Bea.

“Clearly we don’t know all the details kung ano man nangyayare in their real personal life. Pero one thing is for sure. HE DOESN’T DESERVE BEA ALONZO! After everything ginawa nya. Minahal and hindi sya jinudge sa past niya sa ginawa niya sa mag-bestfriend (Kim and Maja). Minahal niya padin even nung nagka-movie sila ni Pia.

“Niloko nya pero pinatawad at mas lalo niya pa din minahal. She even organized a surprise birthday party for him. Nakakaloka. Ano lahat na lang ba ng leading lady niya lalandiiin niya or jojowain nya? Ganon ba yun?
“Sabi nga nila, ‘Once a cheater, always a cheater.’ I adore and love Bea so much. I hope masakit man o mahirap, sana hiwalayan nya na ng tuluyan si Gerald.

“With regards to Julia B. kung ano man reason niya self care, self love, keme bestfriend sila ng ex niya bahala siya. I don’t care about her life or decisions basta yan lang nakita ko.

“Si Bea na nakakaalam niyan and sila. Basta we are here for Bea. We love her and she deserves better. #beaalonzo #geraldanderson.

“Edit: She liked my photo after mi-nutes of posting this and posted a confirmation ‘ENOUGH’ Huhuhu. Edit kung tama man ako or hindi basta niloko sya! HUGS AND LOVE FROM US.”

‘Yan nga ang mahabang kuwento/caption ng fan sa photo na pinost niya sa kanyang Instagram na magkasama nga sina Gerald at Julia. (Athena Yap)

The post Bea ‘bumitaw’ na kay Gerald appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *