Bea Alonzo spotted sa gimikan

Marami ang natuwa na finally ay lumalabas-labas na si Bea Alonzo, gumigimik na kasama ang mga kaibigan.

bea alonzo spotted sa gimikan - Bea Alonzo spotted sa gimikan
ABANTE bea A - Bea Alonzo spotted sa gimikan

‘Keep calm and get over it’

Marami ang natuwa na finally ay lumalabas-labas na si Bea Alonzo, gumigimik na kasama ang mga kaibigan.

Spotted nga si Bea sa isang sing along bar sa Quezon City last Friday, at maganda na nga raw ang aura nito. Meaning, maaliwalas na ang mukha, nakakangiti na nang maganda, at ‘yun na nga, may time na ring makihalubilo sa mga kaibigan niya, na dati ay hindi niya masyadong nagagawa.

Anyway, sa Instagram post naman ng komedyanang si Tart Carlos ay makikita rin ang photo nila ni Bea na magkasama. Si Tart ay nagtatrabaho bilang host sa Laffline bar (sing along bar).

“About last night at Laffline… hehehe! Was happy to have seen this beautiful creation again… Ms @beaalonzo in the house and she remembers me again! Nakakataba ng puso bukod pa… napakagandaaaaaaa, super! #FirdayNightGigAtLaffline,” sabi ni Tart.

Natuwa nga ang mga fan sa nakikita nilang pagbangon ni Bea, at tama nga ang diskarte nito, na sa mga panahon na down na down ka, ang pamilya at mga tunay mong kaibigan ang dapat mong samahan.

Makikita rin sa Instagram story ni Bea ang pagpunta niya sa mga event ng Kashieca. At siyempre, ang dinner date naman niya na kasama ang mga kaibigang babae pa rin.

Bongga nga ang suot na t-shirt ng kaibigan ni Bea na “Keep calm and get over it.” At ang nakalagay sa blackboard sa tabi ng dessert na na, “Keep calm and eat dessert Bea.”

Anyway, kahit sinasabi ng iba na medyo malungkot pa rin ang mga mata ni Bea, lutang na lutang at mas gumanda pa raw ito ngayon.

Terrence Salgado “Huwag masyado mag pa stress idol sa ganda mong yan ikaw ang hinahabol nang mga lalaki.”

Nitzcleofe Cleofe “Life goes on kahit it pains you…be strong always.”
Hilda De Vera “Ang ganda mo Bea walang kupas.. tanga lang magsabi na tumanda ka sa itsura mo dhil kitang kita natural na ganda sa simpleng make up mo.”

Maximos Montemayor “good morning! alam mo mrs. alonso hindi kumukupas ang kagandahan mo.”

Nana Mo Ko “Grabi makakilatis mga tao ngayon kiso tumanda pumangit haha,, nasa makeup nya yan,, ganda nga dhil parang wlang makeup pati kilay natural lang ganda talaga.”
Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *