Bea Alonzo, Jake Ejercito muntik magtukaan sa party

Si Jake Ejercito, na anak ni former President at ex-Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, ba ang bagong manliligaw ni Bea Alonzo?

bea alonzo jake ejercito muntik magtukaan sa party - Bea Alonzo, Jake Ejercito muntik magtukaan sa party
bea x jake - Bea Alonzo, Jake Ejercito muntik magtukaan sa party

Dondon Sermino Paistaran 25 336x224 - Bea Alonzo, Jake Ejercito muntik magtukaan sa partySi Jake Ejercito, na anak ni former President at ex-Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, ba ang bagong manliligaw ni Bea Alonzo?

Well, may kumalat ngang video na galing din mismo sa Instagram story ni Jake (@unoemilio), na kung saan ay may nakakakilig na moment silang dalawa ni Bea. Naganap ‘yon sa birthday party ni Bea kamakailan.

At sa mga unang video, makikita na nag-i-enjoy nang husto si Bea na parang nagku-concert. Kanta kung kanta na parang rakista nga ang magandang aktres.

Sa pangalawang video, lalong lumabas ang pagiging performer ni Bea, dahil keber na siya kung ano ang itsura niya, kung ano ang tono ng kanta niya, basta para sa kanya, ang mahalaga ay nag-i-enjoy siya, at ang mga bisita niya.

At sa pangatlong video nga, makikita na magkaharap sila ni Jake. May hawak na wine si Bea, na nagsasabing…

“Five seconds. Game? One…Two… Walang malisya!” sabi ni Bea kasunod ang titigan moment nila ni Jake.

At habang nagtititigan, may eksena na parang naglalapit na ang kanilang mga mukha, tila umaanggulo na ang kanilang mga labi, at parang maghahalikan, magtutukaan na nga sila.

Pero nu’ng malapit nang magdikit ang kanilang mga labi, bigla silang nagtawanan! Halakhak to the max sila, ha!

Aba, pagkatapos sa isang tisoy, panibagong tisoy na naman ba ang magiging boyfriend ni Bea?

Eh, single naman si Jake, at oo naman, single na single si Bea. Ang paandar nila ni Piolo Pascual nu’ng nasa abroad sila ay alam naman nating lahat na ‘pangpakilig’ lang sa mga fan nila.

Jolina nahuhumaling sa mga itlog

Isa si Jolina Magdangal sa mga nahuhumaling sa pagba-vlog ngayon. Lahat ng aktibidades ng kanyang mga anak, at kahit silang mag-asawa ay mapapanood sa YouTube channel niya.

Marami ngang ordinaryong tao ang kumukontra sa pagpasok sa vlogging ng mga sikat na artista. Sabi nga nila, hindi pa ba sapat ang kinikita nila bilang mga artista, at pati ba naman ang ‘raket’ ng mga ordinaryong tao, pinasukan na rin ng mga artista?

Sabi ni Jolina, bilang mga celebrity ay may karapatan din silang i-share sa mga fan nila ang mga kinahihiligan nila. Hindi raw ito tungkol sa pera-pera lang.

May mga fan sila na sa mga vlog na lang nila nanonood, at nagbibigay raw ng happiness ‘yon sa kanila, lalo na ‘yung mga nasa abroad. Kaya ang hamon ni Jolina sa mga vlogger na kinukuwestiyon ang mga artista…

“Mag-collaborate na lang tayo, para mas maganda! Yun naman ang ginagawa ko ngayon, nakikipag-collaborate ako sa ibang mga vlogger, na hindi mga artista, para makapag-share kami ng mga magagadang content,” sabi ni Jolina.

Anyway, ang bongga ni Jolina, na kung noon, madalas siyang naiimbitahan sa mga selebrasyon pagdating sa ‘pagka-kikay’ o mga pampakilig sa mga fan, ngayon ay ibang-iba na ang mundo niya.

Ang mga nanay, mga bata na nga ang madalas niyang kasama, ha! At kamakailan nga, kasama ang basketball player na si Kiefer Ravena, dumalo nga si Jolina sa birthday celebration ni Eggy nu’ng Oct. 12.

At sino naman si Eggy? Si Eggy ay anak ni Chicky.

Sino ba sina Chicky at Eggy? Well, sila lang naman ang mga ambassador ng Bounty Fresh, na nagdaos nga ng selebrasyon last Saturday sa Trinoma Mall.

Sabi ni Jolina, nasanay na siya na ang mga imbitasyon sa kanya ay may kinalaman sa pagiging nanay. Unang-una, nag-i-enjoy nga raw siya sa pagiging ina niya.

Gamay na gamay na ni Jolina ang gumising nang maaga, magluto ng itlog, o breakfast para sa kanyang mga anak at mister. Kaya perfect si Jolina na maging endorser ng mga produkto na mai-enjoy ng buong pamilya.

“Our yearly OctoberFresh is dedicated to our customers who continuously patronize our products. As a brand, we take our commitment to continuously bring happiness to Filipino families so we have prepared a day full of fun and surprise that everyone can enjoy,” sabi ni Ms. Patricia Cheng-Lim, ang Assistant Vice President for Marketing ng Bounty Fresh.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *