Bea Alonzo ayaw paawat sa pang-aakit

Patuloy sa pananalasa ang kaseksihan ni Bea Alonzo. Ayaw ngang paawat ng aktres sa pagpapasilip ng maangas niyang pigura sa social media nitong mga nakaraang araw.

The post Bea Alonzo ayaw paawat sa pang-aakit appeared first on Abante News Online.

bea alonzo ayaw paawat sa pang aakit - Bea Alonzo ayaw paawat sa pang-aakit
Bea alonzo - Bea Alonzo ayaw paawat sa pang-aakit

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Bea Alonzo ayaw paawat sa pang-aakitPatuloy sa pananalasa ang kaseksihan ni Bea Alonzo. Ayaw ngang paawat ng aktres sa pagpapasilip ng maangas niyang pigura sa social media nitong mga nakaraang araw.

Kung nagpatikim si Bea ng kanyang alindog last week, ang sumunod niyang one-piece bikini photo ay mas malapitan na, at kitang-kita talaga ng kanyang mga fan.

Sa latest photo ng Kapamilya actress, nakatayo siya at naka-pose. Tirik ang araw kaya naman malinaw na nakabilad ang kagandahan ng aktres.

Parang puting damit na ibinilad sa araw at nilagyan pa ng liquid bleach ang kutis ni Bea, dahil nakakasilaw talaga. Mala-anghel na napapalibutan ng sinag ang buong katawan niya.

Umaasa ang mga netizen na magpu-post pa ng maraming bikini photo ang kanilang idolo, lalo’t hindi naman ito nagpapa-sexy o nagsusuot ng bikini sa kanyang mga acting project.

Kamot, bilbil binalandra nina Iza, Ria

Pinagmamalaki ng da-lawang Kapamilya actress ang imperfection ng kanilang pi-gura, at hindi na sila naaapektuhan sa panlalait ng mga basher.

Nag-post ng kani-kanilang mga bikini photo sina Ria Atayde at Iza Calzado sa magkakahiwalay na lugar para ipahatid sa mga follower, basher ang nararamdaman sa tuwing makakabasa ng mga negative comment.

Sa post ni Ria, inisa-isa pa niya ang mga natatanggap na panlalait sa mga bahagi ng katawan niya tulad ng “taba”, “ang laki ng hita”, “laki ng braso”, “flat” (chested).

Sey ng anak ni Sylvia Sanchez, mahirap deadmahin ang mga panlalait ng mga tao sa kanyang katawan pero ang importante ay mahal niya ang kanyang hubog.

Sabi naman ni Iza, ayaw na niyang itago ang mga imperfection sa kanyang katawan lalo’t dumaan ito sa maraming pagbabago. Ayaw ni Iza na itago ang totoong itsura ng kanyang pigura sa mga digital enhancement dahil mas gusto nyang ipakita ang totoo.

Hinahangaan ng mga netizen sina Iza at Ria dahil nagbibigay-inspirasyon ang mga ito sa mga babaeng ‘di tanggap ang pagiging malaman nila.

Heart walang halaga, saysay ang buhay kung wala si Chiz

Hindi ipagpapalit ni Heart Evangelista ang asawa niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero sa buong mundo. Ito ang laman ng mensahe ni Heart sa Instagram habang magkayakap sila ng dating senador.

Punong-puno ng pagmamahal si Heart sa asawa sa posting niya, na nagpapakita ng wagas na pag-ibig kay Chiz.

“You, my love, are my source of limitless love and support, and I wouldn’t trade it for the world,” sabi pa ni Heart.

Wala nga raw katumbas na mamahaling alahas, designer clothes, bags, shoes, travel abroad ang love niya kay Chiz. Wala nga raw saysay ang karangyaan kung wala sa buhay niya si Chiz.

Louise super ligaya sa dyowang negosyante

Excited na si Louise delos Reyes sa paghihintay niyang umabot sa isang taon ang kanilang relasyon ng businessman boyfriend niya. Naka-post sa Instagram ng Kapamilya star ang larawan nila ng boyfriend na nasa ibabaw sila ng barko.

Sa mensahe niya ay binati niya ang boyfriend ng happy 11 months.

“Happy 11th Monthsary mah love Isang buwan na lang! I love you so much!” sabi pa ni Louise.

Natutuwa ang mga fan na finally ay nakahanap na rin si Louise ng lalakeng magpapaligaya sa kanya.

The post Bea Alonzo ayaw paawat sa pang-aakit appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *