BB Gandanghari wala nang kuwenta sa mga fan

Irrelevant na nga ba si BB Gandanghari? Isa ito sa mga comment na nabasa namin sa latest Instagram upload ni BB.

The post BB Gandanghari wala nang kuwenta sa mga fan first appeared on Abante.

bb gandanghari wala nang kuwenta sa mga fan - BB Gandanghari wala nang kuwenta sa mga fan
Gandang Hari - BB Gandanghari wala nang kuwenta sa mga fan

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - BB Gandanghari wala nang kuwenta sa mga fanIrrelevant na nga ba si BB Gandanghari? Isa ito sa mga comment na nabasa namin sa latest Instagram upload ni BB.

May nagsabi rin na ini-unfollow na raw nila si BB.

May mga nagsabi rin at nagpaalala rito na, “Rustom is dead.” Kaya ‘wag na raw paulit-ulit pang buhayin, huh!

Siyempre, may kinalaman pa rin sa saga nina David at Jonathan na ikinokonek nga ng lahat kay Piolo Pascual. Sa kabila ng series of vlogs ni BB, until now, tahimik at hindi nagbibigay ng ano mang comment si Piolo.

In fact, “dedma” ang drama nito at tuloy-tuloy lang sa buhay. Hayan at kasama ng kanilang tatay-tatayan sa Star Magic ay lilipat na rin ng TV5.

‘Yun nga lang, sa kabila ng nagsasabing irrelevant na ito, hindi rin maikakaila na marami na ang nag-aabang sa mga rebelasyon niya. May nagtanong pa nga rito na kung aalukin daw ba ito ng talk show sa Pilipinas, tatanggapin ba nito dahil funny, intelligent at entertaining daw ang nagpapa-controversial pa rin na si BB.

***

Nanay ni batang aktres pakialamera, mahirap kausap

Kaya naman pala naging madali sa former management ng young actress na ito na pakawalan siya dahil mahirap silang katrabaho.

Actually, puwedeng sabihin na hindi si young actress na may napaka-good image, but– her parents, especially the mother.

Same old story ng mga artistang nasisira dahil may nanay na stage mother or nakikialam kahit na walang alam sa industriya o may nanay na mas naunang nag-feeling Superstar kesa sa anak.

Ngayon na-realized ng bagong management ni young actress na kaya raw pala madali lang sa former management ni young actress na pakawalan ito noon, considering na marami rin fan based ito.

Mahirap daw kausap ang nanay. Hinaharangan din nito ang lahat ng gustong makakausap sa anak ng diretso, kahit pa sabihing staff o sa mismong management na. Sobra rin mapili sa tinatanggap na trabaho para sa anak at madalas daw na litanya, “hindi ganyan ang image ng anak namin.”

Sa panahon ngayon na may pandemya, kung attitude rin lang, ang daming artista na gustong magtrabaho. Kaya ‘wag na magtaka kung bakit hanggang ngayon, wala pa rin talagang regular na show si young actress at piling-pili lang din ang mga guesting.

***

Belle Mariano bagong ‘love’ ni Donny Pangilinan

Nagulat kami noong Linggo kung bakit nagti-trending ang dating Goin’ Bulilit star at isa sa mga huling ni-launch ng ABS-CBN Star Magic sa Star Circle batch na si Belle Mariano.

Nag-top three trending ito sa Twitter sa hashtag na Belle Mariano as Maxpein Moon.

‘Yun pala, may series ito sa Iwant opposite Donny Pangilinan. Ang dalawa na ba ang pinu-push na loveteam ngayon as DonBelle?

Nalaman namin na ang Moon na siyang title ng series ay isang Wattpad original. At si Belle ang gumaganap sa female lead bilang si Maxpein Moon. Bongga ang bagets dahil pang-third siya sa nagtrending after two South Korean Idols na sina Lee Hyun at girlfriend.

Personally, nagagandahan kami kay Belle at pang-actress ang aura. Parang nakikita namin sa kanya noong mas bagets pa lang din ang Kapuso star naman na si Bianca Umali.

Nabasa namin ang mga comment at masa-shock daw kay Belle ang manonood dahil kilala itong soft girl, pero iba raw ang mae-encounter sa performance nito as Maxpein Moon.

Sabi naman ni Donny, “Nung nilabas ang cast, ang daming nagsasabi na she’s not fit for the role. So I think, she’s very inspired to prove them wrong, and I believe she can do that.”

The post BB Gandanghari wala nang kuwenta sa mga fan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *