BB Gandanghari may dyowang aktor sa US

Kinilig ang mga follower ni BB Gandanghari sa pinost niya sa Instagram na may kasama siyang lalaki.

The post BB Gandanghari may dyowang aktor sa US appeared first on Abante News Online.

bb gandanghari may dyowang aktor sa us - BB Gandanghari may dyowang aktor sa US
ABANTE bb gandahari 1 - BB Gandanghari may dyowang aktor sa US

OH, LABAN KA?
tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - BB Gandanghari may dyowang aktor sa US

Kinilig ang mga follower ni BB Gandanghari sa pinost niya sa Instagram na may kasama siyang lalaki.

Nakahilig ang ulo ni BB sa balikat ng na nakangiti nang wagas. Nakaangkla ang kamay niya sa kabilang balikat ng katabi at nakahawak ang isa sa braso niya.

Sa caption, parang nagpaparamdam ng lovelife ang transgender/actor.
“@rahder, nicest guy I’ve met…how do I explain thee #newfoundfriend #newfoundglory #nff #happypride #PrideMonth,” sabi niya.

Base sa kanyang Instagram profile, si @rahder ay si Clay sa profile name niya. Isa rin itong actor gaya ni BB na based sa Los Angeles.

Hindi pa man kinukumpirma ni BB kung boyfriend niya ang la-laki o getting to know pa lang sila nito, nag-assume na ang mga follower ng aktor na may lovelife siya.

Nag-comment ang mga fan, supporter ni BB na masaya sila para sa ex-husband ni Carmina Villarroel.

Seth, Andrea, Julia, Pokwang ‘ginapos’ na ng ABS-CBN

Sigurado na ang katatagan ng karera nina Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Pokwang at Julia Barretto sa ABS-CBN 2. Pumirma ng panibagong kontrata ang apat kamakailan lang, na pinoste nila sa kani-kanilang mga social media account.

Sa apat, special ang pangyayarin­g ito kina Seth at Pokwang.

Si Seth ay baguhang artista pa lang na nagmula sa teen edition ng “PBB Otso,” at nabigyan ng pagkakataong mai-cast sa “Kadenang Ginto,” at naging ka-love team ni Andrea Brillantes.

Kaya hindi kataka-takang umaapaw ang puso ng teener sa kontratang ibinigay sa kanya ng network dahil ayon sa mensahe niya sa Instagram, mabibigyan na niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Mula nang magkaanak ulit ay nabago ang buhay ni Pokwang at nawala siya sandali sa sirkulasyon. Pero hindi siya pinabayaan ng istasyon at binigyan pa rin ng mga project.

Markki Stroem nagpatakam sa mga bading

Umagaw ng pansin ang Instagram post ni Markki Stroem nu’ng magpasa-lamat siya sa isang diet meal supplier na nag-i-sponsor sa kanya. Hindi ordinaryo ang thank you message ni Markki dahil hubad siya habang hawak-hawak ang bag na may pangalan ng sponsor niya.

Litaw ang pelvic cut ng actor-host-singer at ang balakang niya na nagpapakita ng hubo’t hubad na katawan niya. Sumisigaw ng “harang” ang mga follower ni Markki dahil natakpan ng frame borderline ng IG ang private part niya.

Nabitin ang mga follower ni Markki na masilip kahit ang pubic hair man lang nito.

Dahil sa paghuhubo’t hubad ni Markki, na-excite nang bonggang-bongga ang kanyang female at beki supporters.

The post BB Gandanghari may dyowang aktor sa US appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *