Bathtub worth P800K: Vice Ganda iniyabang ang bagong mansion

Nakalulula sa laki at kahit na wala pa halos ang mga furniture sa bagong bahay ni Vice Ganda, the house already speaks of elegance and money!

The post Bathtub worth P800K: Vice Ganda iniyabang ang bagong mansion first appeared on Abante.

bathtub worth p800k vice ganda iniyabang ang bagong mansion - Bathtub worth P800K: Vice Ganda iniyabang ang bagong mansion
Vice Ganda 1 - Bathtub worth P800K: Vice Ganda iniyabang ang bagong mansion

Rose Garcia Annyeong 3 1 300x200 - Bathtub worth P800K: Vice Ganda iniyabang ang bagong mansionNakalulula sa laki at kahit na wala pa halos ang mga furniture sa bagong bahay ni Vice Ganda, the house already speaks of elegance and money!

Yes, money dahil sabi nga ni Vice, hindi raw niya alam paano siya nakumbinse na bilhin ang bathtub pa lang niya na nagkakahalaga ng P800,000, huh!

Lilipat pa lang si Vice sa bagong bahay dahil supposedly, noong March ay tapos na raw sana ito, pero dahil nagkaroon ng pandemic, naantala at yung mga supplies ay hindi rin nai-ship.

Industrial ang peg ng bagong bahay o mansion ni Vice kaya more on metal ang gamit. Wala masyadong wood ang 1,800 square meters na bahay.

Ang walk-in-closet ang pinakamalaking bahagi ng bahay, next to the master’s bedroom. Pero parang lahat naman ng areas, malalaki. Meron din itong sauna & spa na ayon kay Vice, favorite spot na ng kaibigang si Ryan Bang. Pagkalaki-laki at ang bongga rin ng dirty kitchen. May pagtutol ito sa bonggang kitchen dahil sey niya, hindi naman daw sila nagluluto.

Puro lang naman daw sila pa-deliver at ang inuulam nila ay mga simpleng pagkain lang, kabilang na ang galunggong.

Ang bongga rin ng swimming pool na elevated at glass pool talaga with jacuzzi. May elevator ang bahay na ayon kay Vice, para sa nanay niya bilang mahihirapan na itong umakyat-baba kapag nasa bahay niya.

Obviously, kasama ni Vice ang boyfriend na si Ion Perez sa kanyang bahay dahil nabanggit nito sa kanyang vlog na yung isang area na wala pang plano kung ano ang ilalagay, baka raw gawin na lang niyang gym ng boyfriend.

Matagal na raw niyang nabili ang property, may pitong taon na ang nakararaan. Para raw ito sa Lolo niya na nang mamatay, nawalan na siyang gana na ipagawa. Marami lang daw ang nagsabi na maganda ang lugar na nakuha niya kaya it took years bago siya nagdesisyon na ituloy na ang pagpapagawa nito at three years in in the making ang bagong mansion na ito ni Vice.

Heart pahinga muna sa teleserye

Inamin ni Heart Evangelista na gusto pa rin naman niyang umarte. Pero inamin din niya na hindi raw ito on top of her priorities now.

Katwiran niya, 24 taon din na ito ang ginagawa niya at ngayon lang daw talaga niya nagagawa na i-enjoy naman yung mga ibang bagay na dati, hindi niya ma-afford gawin dahil for 24 years, puro trabaho lang siya.

“When I was younger, I only had two weeks in a year off. And my mom was very strict to me working. I would work M-W-F, no-cut-off. I’d leave my house at 4:30 and I finish at 4:30 the next day. I have pictorial at 8:00 a.m. and finished at 12 midnight. That was my life for the longest time.

“And now that I have more time and express myself in YouTube, do content. Do what I love to do like fashion, arts, collaborating. I think it was mine but I don’t mind doing teleserye, soon.”

Kaya sa mga naiinip na mga tagahanga ni Heart na muli itong mapanood sa serye, ‘wag mawalan ng pag-asa at aarte pa rin siya.

JasDen 2 wish ng mga fan

Apat na episodes lang ang I Can See You na napapanod sa GMA Telebabad, pero mukhang may pressure ang bawat episodes.

Given na ang positibong pagtanggap sa tambalan nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith nang gawin nila ang Love on the Balcony at on-going pa lang ito, may clamor na sana raw, may part 2 o magkasama pa sila sa mas mahabang serye.

Ang kasalukuyan naman na second episode na “The Promise” ay nag-top 1 trending sa Twitter sa pilot episode pa lang. May mga comments din na parang mala-Kdrama raw ang pagkakagawa.

Mukhang nagtutuloy-tuloy ang interes ng tao kay Paolo Contis na leading man ngayon kay Andrea Torres at Yasmien Kurdi.

So hindi pa man, may challenge na agad sa ikatlong episode ng I Can See You na mapapanood naman simula sa Lunes ng gabi, ang “High-rise Lovers” at kung masu-sustain o mahigitan ng mga bida rito na sina Lovi Poe, Winwyn Marquez at Tom Rodriguez ang nagawang record ng dalawang unang kuwento.

At ang pang-finale episode pa na tampok naman si Rhian Ramos.

The post Bathtub worth P800K: Vice Ganda iniyabang ang bagong mansion first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *