Batang baliktad ang paa tinulungan ng ‘Rated K’

Binisita at tinulungan ng “Rated K” nitong Linggo (Agosto 4) ang apat na taong gulang na si Leo-nard na baliktad ang paa at nasa likod ang tuhod.

batang baliktad ang paa tinulungan ng rated k - Batang baliktad ang paa tinulungan ng ‘Rated K’
ABANTE bata 2 - Batang baliktad ang paa tinulungan ng ‘Rated K’

Binisita at tinulungan ng “Rated K” nitong Linggo (Agosto 4) ang apat na taong gulang na si Leo-nard na baliktad ang paa at nasa likod ang tuhod.

Sa tingin ng ina ni Leonard, nagkaroon ng ganitong karamdaman ang anak dahil ipinaglihi niya ito sa ali-mango.

Hindi naman nila nagawang ipatingin ang bata sa espesyalista dahil P300 lang ang kinikita ng asawa araw-araw.

Agad namang dinala ng programa ang pamilya sa ospital para na rin malinawan sa karamdaman ng bata. Ayon sa doktor, meron daw Larsen’s syndrome ang bata, isang genetic disorder na nagdudulot ng ‘di pagbuo nang maayos ng mga buto ng bata at wala daw kinalaman ang paglilihi dito.

Nakahinga naman ng maluwag sina nanay Flora at tatay Francisco nang sabihin ng doktor na may pag-asa pang makalakad si Leo-nard. Kailangan nga lang iaayos ang bewang at tuhod nito.

Kaya naman nanawagan si nanay Flora sa mga nakapanood ng episode nitong Linggo na sana ay may tumulong sa kanyang anak para naman mabuhay itong normal tulad ng mga ka-edad nito.

Samantala, habang hindi pa sinisimulan ang mga operasyon sa bata, binigyan na muna siya ng “Rated K” ng wheelchair para makalabas naman ito ng bahay. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *