Basketbolista pinagsawaan ng mga bading

Iwas na pala si kilalang basketball player sa ilang mga kabarkada niya noong varsity years pa niya.

The post Basketbolista pinagsawaan ng mga bading appeared first on Abante News Online.

basketbolista pinagsawaan ng mga bading - Basketbolista pinagsawaan ng mga bading
basketball 2 - Basketbolista pinagsawaan ng mga bading

abante anything goes jun lalin 336x224 - Basketbolista pinagsawaan ng mga badingIwas na pala si kilalang basketball player sa ilang mga kabarkada niya noong varsity years pa niya.

Bakit kaya?

Dahil kaya ang mga ito ang nakakaalam ng kanyang mga lihim katulad ng pag-i-“sponsor” niya noong araw?

Noon kasi, maliit pa lang ang allowance ni basketbolista dahil varsity player pa nga lang siya at open siya sa pagsama sa mga lunch at dinner with rich gay benefactors, huh!
Basta type ni basketbolista na kumain noon, ang mga kabarkada niya ang taga-contact ng “sponky”.

Siyempre, hindi lang basta free lunch or dinner ‘yon na kasama rin ang kanyang mga barkada, may pa-envelop din ang mga “sponky” niya.

Pero mautak daw si basketbolista noong varsity player pa lang siya dahil madalas, hanggang tsika-tsika lang siya sa mga “sponky” at walang kung anuman after.

Pero siyempre, kapag malaki ang pangangailangan noon ni basketbolista, may mga pinagbibigyan din daw siya, pero mangilan-ngilan lang naman katulad ng isang baklitang may puwesto sa isang ahensiya, isang kilalang showbiz personality at isang nagma-manage-manage rin ng mga basketbolista.

At yes, malaki nga ang “talent fee” niya kapag ganoon na ang ginagawa niya.

Pero now na mayaman na siya dahil  tunay na girl na ang benefactor niya, kinalimutan na niya ang mga “sponky” pati na rin ang mga kabarkada niya na “bridge” niya noon sa mga baklita.

Pero ang mga kabarkadang kinalimutan ni basketbolista ang nagkukuwento ng mga lihim niya noon.

Pero mukhang dedma naman si basketbolista dahil pati yata sarili niya ay pinaniwala na niya na wala siyang ganoong pinagdaanan noon!

Sandy tanggal stress sa gulay, prutas

Mahilig palang mag-garden si Sandy Andolong.

Sabi niya sa akin, “May mga pocket garden kasi ako.

“Sa areas sa garden ko na may space tapos nilalagyan ko ng malalaking baron around it. Dati decorative plants, pinalitan ko ng mga herbs and veggies para mas may pakinabang.”

Nalilibang ang misis ni Christopher de Leon sa pagga-garden at nakakawala rin daw ‘yon ng stress, kaya pinayuhan nga rin niya ako na mag-gardening din at magtanim ng herbs and veggies.

 

Pops bumilib sa kaseksihan ni Sharon

Birthday party ni Ms. Helen Gamboa noong isang gabi at isa ang inaanak nila ng mister niyang si Tito Sotto na si Pops Fernandez sa mga imbitado.

Invited din doon siyempre ang favorite niece ni Helen, ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Medyo matagal na hindi nakita ni Pops si Sharon, kaya sobrang bumilib siya na malaki na ang ipinayat ng Megastar.

“Super pumayat na si Sharon. I’m impressed. She looks great,” sabi ni Pops nang makausap ko kahapon.

In fairness, marami na ang nakakapansin ng pagpayat ni Sharon.

Sa May 15 na nga pala ang showing ng “Kuwaresma”, ang first horror movie ni Sharon.

The post Basketbolista pinagsawaan ng mga bading appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *