Barretto, Panganiban nagdiwang ng ‘weeksary’

Isa na namang pasimpleng pahiwatig ang ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram na mistulang in love talaga siya.

barretto panganiban nagdiwang ng weeksary - Barretto, Panganiban nagdiwang ng ‘weeksary’
ABANTE pocho ange - Barretto, Panganiban nagdiwang ng ‘weeksary’

Isa na namang pasimpleng pahiwatig ang ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram na mistulang in love talaga siya.

May mga espekulasyon na may namamagitan sa kanila ng matalik na kaibigan na si Pocholo Barretto, at lately tuwing magpo-post nga ito ng kanyang happy moments ay kasama niya si Barretto.

Nitong Huwebes lang ay muling may pahapyaw ito sa kanila ni Barretto, binati pa niya ito ng “Happy Weeksary”.

Kasunod ng pagbati ay may pagbanat pa si Angge. “Pudding, alam mo kung ano’ng oras na? 1:43 na oh,” hirit ng aktres.

Well, ang 1:43 kasi ay sumisimbolo ng ‘I Love You’ dahil katumbas ito ng bilang ng letra nito.

Kasama rin naman nila ang iba pang kaibigan, na ka-bonding din nila sa Siargao noong bakasyon.

Hindi na nga makapaghintay ang mga fan sa pagkumpirma ni Angge kung ano nga ba ang tunay na lagay ng puso nito. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *