Baron aminadong adik kay Jamie

Sa unang pagkakataon, kinuwento ng ‘bad boy’ star na si Baron Geisler ang kanilang pagsasama ng kanyang psychologist fiancée na si Jamie Marie Evangelista sa “Magandang Buhay” kamakailan.

baron aminadong adik kay jamie - Baron aminadong adik kay Jamie
Abante tnt baron - Baron aminadong adik kay Jamie

ABANTELLILING
#1 All-Filipino News Online
Pilit ginagaya, ang saya-saya!

Sa unang pagkakataon, kinuwento ng ‘bad boy’ star na si Baron Geisler ang kanilang pagsasama ng kanyang psychologist fiancée na si Jamie Marie Evangelista sa “Magandang Buhay” kamakailan.

“Actually the truth is noong nagliligawan kami, sabi ko, ‘Jamie, huwag ka sana maadik sa akin.’ Pero ang nangyari nagkabaligtad, ako ‘yung sobra-sobrang na-in love na hindi puwede ‘yung isang araw na hindi ko siya makausap o makita. Ang problema lang, mayroon akong attachment problems, needy minsan,” sabi ni Baron.

So bad boy man ang datingan ng aktor, clingy in the inside naman pala ito sa kanyang wife-to-be. Aba! Nakaka-“She’s Dating The Gangster” pala ang ka-sweetan nitong si Baron, ha!

Ibinahagi rin ni Baron na sinusubukan niyang intindihin at yakapin ang long distance relationship (LDR) nilang dalawa dahil kapwa silang busy sa kanilang mga trabaho.

Anyway, kahit ang kanyang fiancée ay hindi pa sanay sa LDR kaya naman sa pahayag nito ay nilinaw na pinahahalagahan pa rin at ipinaaalala nito ang importansya ng kalusugan ni Baron.

“Ako, I didn’t judge him sa past niya. Binigyan ko siya ng chance and I figured out na hindi siya shallow, matalino pala itong taong ito, he is interesting to talk to, like hindi siya mababaw,” sabi pa ni Jamie. (Athen­a Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *