Barbie type tikman sina Sue, Loisa

Dahil naranasan na nga ni Barbie Imperial na bumida sa isang boys love serye, ang ‘Oh, Mando’ na pinagbibidahan nina Kokoy de Santos at Alex Diaz, at dinirek ni Eduardo Roy Jr., ang award-winning director ng “Pamilya Ordinaryo,” “Lola Igna,” “Bahay Bata,” “Quick Change,” at “F#*@BOIS,” kaya game na game rin daw siya kung sakaling kunin din siyang bida sa isang girls love serye naman, o tomboyan ang konsepto.

The post Barbie type tikman sina Sue, Loisa first appeared on Abante.

barbie type tikman sina sue loisa - Barbie type tikman sina Sue, Loisa
barbie - Barbie type tikman sina Sue, Loisa

Dahil naranasan na nga ni Barbie Imperial na bumida sa isang boys love serye, ang ‘Oh, Mando’ na pinagbibidahan nina Kokoy de Santos at Alex Diaz, at dinirek ni Eduardo Roy Jr., ang award-winning director ng “Pamilya Ordinaryo,” “Lola Igna,” “Bahay Bata,” “Quick Change,” at “F#*@BOIS,” kaya game na game rin daw siya kung sakaling kunin din siyang bida sa isang girls love serye naman, o tomboyan ang konsepto.

“Yes, of course. Ako nga nagsabi, ‘Direk gawa rin kaya tayo ng ganito rin, pero mga babae naman!” sabi ni Barbie.

Katunayan, nakabuo na nga si Barbie ng cast na gusto niyang makasama, o matikman sa unang pagkakataon, sa harap ng kamera.

“Ako na rin ang nag-cast. Sabi ko, puwede sina Sue Ramirez at Loisa Andalio, eh. Gustong-gusto ko talaga. Waiting na lang ako sa offer. Sana nga may mag-offer. Hahahaha!” natatawang sabi ni Barbie.

Well, iba na nga ang pananaw ng mga artista ngayon, na dahil sa sunod-sunod na boys love serye, kahit ang mga kababaihan ay matapang na rin na tumanggap ng mas mapangahas na role. (Dondon Sermino)

The post Barbie type tikman sina Sue, Loisa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *