Barbie sinulatan ng patay

Bibida sa isang madamdaming istorya ng wagas na pagmamahalan si Barbie Forteza para sa special Christmas presentation at all-new episode ng Magpakailanman o #MPK ngayong Sabado (December 19).

The post Barbie sinulatan ng patay first appeared on Abante.

barbie sinulatan ng patay - Barbie sinulatan ng patay
Barbie Forteza - Barbie sinulatan ng patay

Bibida sa isang madamdaming istorya ng wagas na pagmamahalan si Barbie Forteza para sa special Christmas presentation at all-new episode ng Magpakailanman o #MPK ngayong Sabado (December 19).

Tutukan ang nakakaantig sa puso na kuwento ni Bing (Robert Seña), isang ama na pinatunayan sa kanyang mag-ina ang walang hanggang pagmamahal niya.

Larawan ng isang masayang pamilya sina Bing, ang maybahay niyang si Joji (Isay Alvarez), at ang kanilang anak na si Aly (Barbie). Subalit isang malaking dagok ang kanilang kahaharapin nang magkasakit si Bing at tuluyan nang mawala. Kaya naman laking gulat na lang ni Aly nang makatanggap siya ng sulat mula sa kaniyang pumanaw na ama.

Mula sa mahusay na direksyon ni Jorron Monroy, tunghayan ang isang kuwento ng pag-ibig na kayang tawirin maski kamatayan sa “My Ever-Lasting Love: The Joji and Alyssa Mendoza Story” ngayong Sabado, December 19, 8:15 pm sa ‘#MPK.’ (Dondon Sermino)

The post Barbie sinulatan ng patay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *