Barbie, Jak sa 2025 pa pakakasal

Going strong ang relasyon nina Jak Roberto at Barbie Forteza. Nag-celebrate sila ng 3rd anniversary, at inamin ni Jak na iniisip niya ang future nilang dalawa.

barbie jak sa 2025 pa pakakasal - Barbie, Jak sa 2025 pa pakakasal
abante jak - Barbie, Jak sa 2025 pa pakakasal

Going strong ang relasyon nina Jak Roberto at Barbie Forteza. Nag-celebrate sila ng 3rd anniversary, at inamin ni Jak na iniisip niya ang future nilang dalawa.

“Lagi ko pong sinasabi sa mga interview na tuwing magkakaroon po ako ng karelasyon, kino-consider ko na po na laging ‘yun ‘yung last. Ganoon ako pag nasa relasyon. Binibigay ko po ‘yung best ko, siguro as preparation sa lahat ng plano in the future,” sabi ni Jak.

Pero, kelan ba nila balak magpakasal?

“Siguro po pag nag-30 years old na ako, para talagang may ipon na. Si Barbie kasi, mga 28 years old gusto niya mag-settle.

“Sabi ko nga, parang na-pressure naman ako! Well, 23 years old pa lang naman siya so I still have 5 years to prepare,” pabirong sabi ni Jak.

Meaning, sa 2025 pa sila magpapakasal. Ang tagal pa, ha! (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *