Barbie ayaw nang maging kaibigan si JM

Hindi pa raw handa si Barbie Imperial na maki-pagkaibigan ulit kay JM de Guzman. ‘Yan ang sabi niya sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa “Tonight With Boy Abunda” ng ABS-CBN 2.

The post Barbie ayaw nang maging kaibigan si JM appeared first on Abante News Online.

barbie ayaw nang maging kaibigan si jm - Barbie ayaw nang maging kaibigan si JM
ABANTE barbie - Barbie ayaw nang maging kaibigan si JM

abante i know better jun nardo 336x224 - Barbie ayaw nang maging kaibigan si JMHindi pa raw handa si Barbie Imperial na maki-pagkaibigan ulit kay JM de Guzman. ‘Yan ang sabi niya sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa “Tonight With Boy Abunda” ng ABS-CBN 2.

Pero bigla siyang bumawi, na kesyo hindi raw siya nagsasalita nang tapos dahil hindi niya hawak ang future.

Kaya lang, may Ria Atayde nga na sabi-sabi ay dyowa ngayon ni JM. So, malabo ring mangyari ‘yon, ‘di ba?

Eh sa mga aktres na nagkaroon ng relasyon sa aktor, si Jessy Mendiola ang parang pinakamatindi sa kanya, huh!

Teka, tanungin nga natin si JM kung gusto pa niyang maging magkaibigan sila ni Barbie? Bakit parang siya ang ‘nadala’ kay Barbie? Hehehehe!

Ex Battalion walang ‘K’ mag-artista

Dream ni Ai-Ai delas Alas para sa anak na si Sofia delas Alas ay parang member ng grupong Blackpink.

“Sing and dance tapos may abs siya,” sabi ni Ai-Ai sa huli niyang pakikipag-usap sa press.

Eh bukod sa Ex Battalion, may special appearance si Sofia sa movie niyang “Sons of Nanay Sabel” na showing na ngayon.

“Pero sabi niya, ‘Mom, hindi naman ako masyadong marunong kumanta.’ ‘Marunong kang kumanta. May dugo kang singer. Ako nga wala eh.’ Pinipilit ko,” rason ng Comedy Queen.

Nang mapanood ang SONS sa premiere, kinakitaan niya ng potensiyal ang ibang members ng Ex Battalion.

“Yung iba, mag-rap na lang! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.

Teka, anong naging reaksyon ng alaga niya sa bago nilang bahay?

“Kanila ‘yon. Dati may nirerentahan silang bahay na ako ang kumuha. Ngayon sila na ang kumuha. Lahat sila nandoon. Sabi ko sa kanila, ‘Wow, ang ganda naman ng bahay. Ang yaman!’ Three bedrooms yata.

“Lahat sila nandoon. Akala ko nga si Mark lang ang nandoon,” pahayag pa ni Ai-Ai.

The post Barbie ayaw nang maging kaibigan si JM appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *