Barbie ayaw nang istorbohin si Jak

Ang pagmamaneho ng sariling sasakyan ang isa sa pagsisikapang pag-aralan ni Barbie Forteza ngayong 2021.
The post Barbie ayaw nang istorbohin si Jak first appeared on Abante.


Ang pagmamaneho ng sariling sasakyan ang isa sa pagsisikapang pag-aralan ni Barbie Forteza ngayong 2021.
“Para na rin hindi ko naaabala si Daddy or si Jak (Roberto) kapag may gusto akong puntahan or bilhin. Kung marunong na akong mag-drive, mas marami akong magagawa at ‘di na ako mahihiyang humingi ng pabor,” sey ni Barbie.
Noon pa raw binalak ni Barbie ang mag-driving lessons, pero wala siyang oras.
“Medyo kinakabahan din akong mag-drive. Kaya urong-sulong ako. Pero this year, itutuloy ko na,” pagtapos pa ni Barbie. (Ruel Mendoza)
The post Barbie ayaw nang istorbohin si Jak first appeared on Abante.