BANTAY TELESERYE Direktor ng ‘Dragon Lady’ ni Janine gustong sunugin ng mga fan

Kahapon (July 20) ay tuluyan na ngang nagwakas ang top-rating GMA Afternoon Prime series na “Dragon Lady.”

The post BANTAY TELESERYE Direktor ng ‘Dragon Lady’ ni Janine gustong sunugin ng mga fan appeared first on Abante News Online.

bantay teleserye direktor ng dragon lady ni janine gustong sunugin ng mga fan - BANTAY TELESERYE Direktor ng ‘Dragon Lady’ ni Janine gustong sunugin ng mga fan
politiko Dragon Lady - BANTAY TELESERYE Direktor ng ‘Dragon Lady’ ni Janine gustong sunugin ng mga fan

Ni: Dondon Sermino

Kahapon (July 20) ay tuluyan na ngang nagwakas ang top-rating GMA Afternoon Prime series na “Dragon Lady.”

Ang bidang si Janine, na gumanap bilang sina Celestina/Scarlet, ay nakaramdam ng lungkot at saya.

“Thankful and happy. Masaya talaga ‘yung bonding namin dito sa set. Mostly girls kasi kami so puro chikahan and kai­nan. Kahit na mabigat ‘yung story line, ‘yung mga linyahan namin nakakatuwa. Very campy ‘yung show, kung saan-saan kami nagsasabunutan, sa freezer and supermarket. Kahit na ang intense ng mga eksena, enjoy kami kapag ginagawa namin kaya sa tingin ko marami rin ang nag-e-enjoy na panoorin ‘yung mga sabunutan and one liner,” sabi ni Janine.

“I will miss the whole group. Iba rin kasi ‘yung bonding namin kapag nasa set. Umaga pa lang kulitan na agad. But the clamor we’ve received is really because of our group effort. Everyone’s just been doing­ an amazing job,” sabi naman ni Tom Rodriguez.

At siyempre, tulad ng lahat ng teleserye, sa huli, ang kabutihan ang dapat manaig. Napatunayan nga ni Celestina na siya ang rightful heiress to the Chua clan.

Pero teka lang, base sa reaksiyon ng mga manonood, parang galit na galit sila sa itinakbo ng kuwento, lalo na nitong patapos na. Puro masasakit na salita ang ibinato nila sa direktor ng “Dragon Lady.”

Well, isa lang ang kahulugan noon, nahuli ni Direk ang loob ng mga manonood niya, kaya kahit galit na galit sila, at halos isumpa at gusto talagang sunugin si Direk, hindi sila bumibitaw sa “Dragon Lady”, hanggang sa dulo.

Well, ang gusto kasi ng mga manonood ng “Dragon Lady”, dapat ay mahusay agad-agad lumaban ang bida. Na dapat ay kawawain nang husto ng bida na si Janine ang mga kontrabida, o mga kalaban niya.

Pero, bago nga kasi ang finale, may mga eksena talaga na talong-talo ang bida. Na parang pelikula nga, na sa simula, hanggang sa bago magwakas ang isang palabas, kawawa talaga ang bida. Pero sa dulo, waging-wagi ang bida, at talong-talo ang kontrabida.

Maraming manonood ang atat na atat, na dapat ganito agad, na kung ano ang gusto nila, ‘yun ang dapat sundin.

Heto nga ang chika nila:
bangtan’s army that blink: “eh kung yung director/writer nalang kaya sunugin nyo myghad dibpa tapusin. Hahaha.”

everybody happy: “Hay naku anong nangyari sa writer. Ndi n ata nagiisip.”
Rosefin Taoatao: “Second time sunugin…iyong.director na kayang sunugin.”
John 14: “Saan na napunta ang martial arts training ni Scarlet my gosh.”
EliTheDyosa Chan: “Bakit ang snake lady marunong mag-fight habang ang dra­gon lady hindi lumalaban? Bida pa man siya, anong eksena ito para man itong walang kwenta.”

Michelle Maturan: “nakakainis na tingnan. Pero nag aantay parin ng kasunod hehehe small youtuber here yakapan tayo.”

yasmen Emen: “Walang kwenta title na dragon lady .. bkt hnd sya makalaban laban eh diba dragon lady sya.”
Kaloka, pero kaaliw, ‘di ba?

The post BANTAY TELESERYE Direktor ng ‘Dragon Lady’ ni Janine gustong sunugin ng mga fan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *