Banig Roberto nilait sa duet kay Regine

Nakatikim ng panlalait mula sa netizens ang singer na si Banig Roberto nu’ng magsama sila ni Regine Velasquez sa “ASAP” last Sunday sa San Francisco, California.

banig roberto nilait sa duet kay regine - Banig Roberto nilait sa duet kay Regine
ABANTERegine - Banig Roberto nilait sa duet kay Regine

abante i know better jun nardo 336x224 - Banig Roberto nilait sa duet kay RegineNakatikim ng panlalait mula sa netizens ang singer na si Banig Roberto nu’ng magsama sila ni Regine Velasquez sa “ASAP” last Sunday sa San Francisco, California.

Maagap namang dumipensa si Songbird kay Banig sa kanyang Twitter.

“No need to be mean please she was nervous before singing but she still did a great job. I’m proud of you Banig thank you for singing with me,” depensa si Regine.

Tinugunan naman ng netizen na may user name na @MissReigne ang tweet ni Regine.

“We’re never mean po. We’re actually not reacting to the prod, but for certain ‘publicist’ who has put Reginians in one basket and claimed that we always give insults to people you are singing w/. Just defending ourselves. Wala pong issue w/Banig.”

Nitong nakaraang mga araw, nakatikim ng batikos ang Songbird sa isang netizen na hindi nagustuhan ang isa niyang performance dahil umano sa hindi maabot ni Reg ang matataas na nota ng kinanta.

Alden nag-kandura sa UAE

Bumisita si Alden Richards sa u­nang pagkakataon sa Sheikh Sayed Grand Mosque habang nasa United Arab Emirates.

Nakasuot siya ng kandura, tradisyunal na clothing na gamit para makapasok sa mosque.

“Got to learn a little more about the religion and culture. Pra-ying to come back soon with my family when the weather’s cooler,” caption ni Alden sa Instagram photo niya habang nasa harap ng mosque.

Nasa UAE si Alden kasama si Kathryn Bernardo para sa international screening ng “Hello, Love, Goodbye” movie nila. Dumayo roon ang sister ni Kath mula sa Birmingham, London para manood at very proud siya sa husay ni Kathryn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *