Banderas, Van Damme, Norris eeksena sa ‘Ang Probinsyano’

Napangiti nang husto si Coco Martin nang tanungin ng “Abantelliling” tandem namin ni Rey Pumaloy ang tungkol sa pagpasok ng ilang Hollywood actor sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

banderas van damme norris eeksena sa ang probinsyano - Banderas, Van Damme, Norris eeksena sa ‘Ang Probinsyano’
hollywood - Banderas, Van Damme, Norris eeksena sa ‘Ang Probinsyano’

Dondon Sermino Paistaran 7 336x224 - Banderas, Van Damme, Norris eeksena sa ‘Ang Probinsyano’

Napangiti nang husto si Coco Martin nang tanungin ng “Abantelliling” tandem namin ni Rey Pumaloy ang tungkol sa pagpasok ng ilang Hollywood actor sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Ang grupo ng Abante nga ang unang naglabas, naka-iskup, na may tatlong Hollywood actor na papasok sa teleseryeng ito ni Coco na halos apat na taon na ngang napapanood sa ABS-CBN 2.

“Hahahahaha! Ang bilis niyo talaga.

“Actually mahirap pang magsalita agad ngayon, dahil mahaba pa ang tatakbuhin niya. Pero, talagang ano… kasi halos lahat yata nagawa na namin.

“Kumbaga, siyempre alam mo naman ang mga Filipino, kaya tayo, hindi natin sila titipirin. Kaya kung ano pa ang maisip natin na mapaganda ang teleserye, ang ‘Ang Probinsyano’, gagawin natin.

“Sa akin na idea ‘yon, para mas mapaganda pa,” pahayag ni Coco.

So, may mga nakausap na bang mga Hollywood actor? Sina Antonio Banderas, Jean Claude Van Damme at Chuck Norris diumano ang lalabas sa “Ang Probinsyano”?

“May mga nakausap na kami, at may isa pang kinakausap. Actually may isa na ngang um-oo. Actually under negotiation pa po,” sambit niya.

Saan gagawin ang shooting, taping?

“Magsu-shooting kami sa abroad, at saka dito,” nakangiting sambit ni Coco.

Kaya yes, patuloy pang aarangkada ang “Ang Probinsyano”.

“Masayang-masaya siyempre. Sabi ko nga, ngayon ginagawa namin to talaga para ma-inspire ang mga Filipino, lalong-lalo na ‘yung mga nanonood gabi-gabi, para mapasaya sila.

“Sana humaba pa. Sana makaisip pa kami ng magagandang kuwento, para lalong ma-inspire talaga ang mga tao,” sambit pa ulit ni Coco.

Anyway, masayang-masaya nga si Coco sa pagdalo niya sa Sine Sandaan (inorganisa ng FDCP sa pamumuno ni Chair Liza Dino-Seguerra, bilang selebrasyon ng ika-100 taon ng Philippine cinema).

Kunsabagay, hindi lang naman sa telebisyon namayagpag si Coco, dahil marami rin siyang pelikula na pinagbidahan, at ilan nga sa mga ito (indie films) ay naipalabas pa sa ibang bansa, na dinirek ni Brillante Mendoza.

“Actually tinuturing ko itong blessing sa akin, kasi sabi ko nga kung hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makapasok sa industriyang ito, kung hindi ako nabigyan ng puwang sa indie films, siguro wala ako ngayon.

“Siguro nagtatrabaho akong ordinaryo, waiter, or kung ano pa man.

“Kaya sabi ko nga, dahil sa pelikulang Pilipino, nabago ang buhay ko, natupad ang mga pangarap ko, naayos ko ang pamilya ko, kaya tinatanaw kong malaking-malaking utang na loob.

“Kaya sa bawat trabahong ginagawa ko, talagang pinaghihirapan ko, pinagbubuti ko dahil utang ko sa mga tao kung nasaan man ako ngayon. Kaya sana sa bawat pelikula, o trabaho na ginagawa ko, naa-appreciate nila ‘yon, at natutuwa sila,” sabi pa ni Coco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *