Banawis ng NY pasok sa PBB

Nagpaalam na sa bahay ni Kuya nitong Dec. 27 si Justin Dizon, ang unang evictee ng “PBB Connect” makatapos makakuha ng -2% ng pinagsamang Kumu at text votes.

The post Banawis ng NY pasok sa PBB first appeared on Abante.

banawis ng ny pasok sa pbb - Banawis ng NY pasok sa PBB
abante gail - Banawis ng NY pasok sa PBB

Nagpaalam na sa bahay ni Kuya nitong Dec. 27 si Justin Dizon, ang unang evictee ng “PBB Connect” makatapos makakuha ng -2% ng pinagsamang Kumu at text votes.

Meaning mas maraming votes to evict na natanggap si Justin kaysa sa votes to save. Nakakuha naman ng combined Kumu at text votes si Mika Pajares ng 3.30%, habang 12.64% ang natanggap ni Aizyl Tandugon.

“Despite what transpired in the house, I just want to say I kept it real. I came here to be me. I came here to be honest. Ang importante ay nagpakatotoo ako at babaunin ko ang lahat ng natutunan ko kay Kuya pati sa kapwa housemates ko,” sabi ni Justin.

Samantala, may tatlo pang official housemates na papasok sa bahay ni Kuya na napili ng PBB Kumunity mula sa 117 aspirants sa Kumu. Kasalukuyang nasa quarantine na sina Amanda Zamora ng San Juan City at Glenda Victorio ng Rizal matapos pumasa sa medical, psychological, at COVID tests, habang hinihintay na lamang na makarating si Gail Banawis mula sa New York City.

Mainit ang naging suporta ng PBB Kumunity sa 117 aspiring housemates dahil nakalikom ang “PBB Connect” ng kabuuang na 1,107,881,850 diamonds.

Tutok lang sa “PBB Connect” (10pm Lunes hanggang Sabado sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel). (DS)

The post Banawis ng NY pasok sa PBB first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *