Balik TV ni Kris pinagbunyi ng mga Kapamilya star

Ang bongga lang ng promo material ni Kris Aquino na mapapaood sa kanyang Instagram. Fierce na fierce, at palaban talaga ang dating.

balik tv ni kris pinagbunyi ng mga kapamilya star - Balik TV ni Kris pinagbunyi ng mga Kapamilya star
kris 8 - Balik TV ni Kris pinagbunyi ng mga Kapamilya star

Dondon Sermino Paistaran 14 300x200 - Balik TV ni Kris pinagbunyi ng mga Kapamilya starAng bongga lang ng promo material ni Kris Aquino na mapapaood sa kanyang Instagram. Fierce na fierce, at palaban talaga ang dating.

Mula sa outfit na leather jacket, pants, with matching boots, ramdam mong pinaghandaan talaga niya ang comeback sa telebisyon.

“Maraming nagsabi na this day would never arrived. After hearing that so many times. Even I started to believe it. Yet, nandito na ako.

“I got to know the real me. hinaharap ko ang pagkakamali. Tinanggap ko na maraming beses din akong nagkulang. Natutunan kong iwanan ang kahapon. Pinili kong patawarin ang sarili, for being human, for seeing myself as the victim. For allowing myself, to almost give up.

“So, I wipe away my tears.

“Kinaya kong maghintay, nagpakatagtag ako, naghanda ako.

“Because this isn’t then end of my story. Thanks to all of you, I’m starting my new beginning…” ang bonggang linyahan ni Kris sa nagturang video.

Pero sa naturang IG post ni Kris, mapapansin ang pagbubunyi ng mga Kapamilya stars, ha! Una na nga si Kim Chiu, na panganay n a anak ang turing.

Sumunod pa sina Angel Locsin, Anne Curtis, Erich Gonzales, si Darla (na dati niyang kasama sa Kris TV), KC Concepcion, Jolina Magdangal (na pumalit sa timeslot na iniwan niya sa Channel 2), Darren Espanto, Mariel Rodriquez Padilla, John Prats, Melay Cantiveros, Cherry Pie Picache, Dimples Romana, Miles Ocampo, Jaya, Iza Calzado, at marami pang iba.

Well…

KC parang buko juice na masarap higupin

May gusto bang patunayan si KC Concepcion? Bakit daw sunod-sunod ang mga sexy photo na pinu-post niya sa Instagram?

Sinimulan nga niya sa pagpapasilip ng kanyang bonggang legs na ubod ng kinis, hanggang sa cleavage, at hubog ng katawan, at pasilip na braso at likod.

At kahapon nga, naka-swimsuit naman siya sa ipinaradang photo. Sayang nga lang at nakaupo si KC kaya hindi masyadong nasilip ang kaseksihan niya, pero kahit nakaupo nga siya, kitang-kita pa rin ang bonggang improvement sa body niya, na lumiit nga ang frame niya, at lumutang ang kaseksihan niya.

Kitang-kita rin ang ganda ng aura ni KC, na palaging naka-smile ngayon. Para nga siyang sariwang buko na masarap higupin.

Ang buko juice kasi ang isa sa mga sikreto kung bakit mas lalong naging sariwa ang datingan niya ngayon.

“You can always find me by the waterfalls (fresh coconut water and all good vibes included),” ang chika ni KC.

Well, sana nga ay magtuloy-tuloy ang positibong aura ni KC na kinagigiliwan sa kanya ng mga fan niya. At sana nga ay mapanood na rin siya sa isang TV show, kahit sa TV5 pa ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *