Balik trabaho na: Pagdurusa sa virus ibabahagi ni Bitoy

Ngayong Sabado (Sept. 5) balik eksena na nga ang pamilya ng ‘Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento’.

The post Balik trabaho na: Pagdurusa sa virus ibabahagi ni Bitoy first appeared on Abante.

balik trabaho na pagdurusa sa virus ibabahagi ni bitoy - Balik trabaho na: Pagdurusa sa virus ibabahagi ni Bitoy
Bitoy - Balik trabaho na: Pagdurusa sa virus ibabahagi ni Bitoy

Ngayong Sabado (Sept. 5) balik eksena na nga ang pamilya ng ‘Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento’.

“The cast and I are all very excited! We have a lot of quarantine stories we would love to share with our audience. This Saturday’s episode is a good way to start the “new normal” for our show,” sabi ni Michael V.

Yes, nakapag-taping na nga si Bitoy, matapos tamaan ng coronavirus.

“Shooting from home is a very different experience. There’s a lot of discipline involved. You gain a new appreciation for the crew during times like these,” saad pa niya.

Bilang survivor ng COVID-19, ikukuwento ni Bitoy ang pinagdaanan niya during his self-quarantine period, so that the audience may find hope and inspiration amid these trying times.

Mapapanood sa episode na ito ang “kumustahan” segment kung saan ay isu-showcase ng cast ang mga skill, talent, na natutunan nila habang naka-quarantine.

Bukod kay Bitoy, mapapanood din sa Pepito Manaloto sina Manilyn Reynes, John Feir, Maureen Larrazabal, Arthur Solinap, Mosang, Mikoy Morales, Janna Dominguez, Ronnie Henares.

“Makakaasa ang mga Kapuso natin na hindi mawawala ang signature “Pepito humor” sa upcoming episodes. Maaaring iba na ang “ulam”, pero “kanin” pa rin ang katapat,” sabi pa ng mahusay na komedyante. (Dondon Sermino)

The post Balik trabaho na: Pagdurusa sa virus ibabahagi ni Bitoy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *