Balik ‘Showtime’ na: Vice Ganda negatibo sa virus

Nag-tweet si Vice Ganda ng pasasalamat sa mga frontliner na walang sawang nagseserbisyo sa publiko mula nang mag-umpisa ang pandemya sa bansa.

balik showtime na vice ganda negatibo sa virus - Balik ‘Showtime’ na: Vice Ganda negatibo sa virus
abante vice ganda - Balik ‘Showtime’ na: Vice Ganda negatibo sa virus

Nag-tweet si Vice Ganda ng pasasalamat sa mga frontliner na walang sawang nagseserbisyo sa publiko mula nang mag-umpisa ang pandemya sa bansa.

Mistulang tugon ito sa sinabi ni Sen. Cynthia Villar na pagbutihin daw ng medical workers ang trabaho nila at tila hindi pinansin ang hiling nilang pahinga sa gobyerno.

“Maraming salamat sa mga frontliner na nasa medical field! Di’ ko man matanggal ang mga pagod at hirap ninyo mapasalamatan ko man lang kayo. Iba ang sakripisyo ninyo. Mula sa puso ko gusto kong sabihing God Bless You at mabuhay kayo,” sabi ni Vice.

Anyway, nitong Sabado ay live na uli ang “It’s Showtime”, pero si Vice nanatili lang muna sa bahay. Sabi niya naka 14-days quarantine siya kasi nagkaroon daw siya ng out-of-town shooting.

In fairness naman mahigpit ang ABS-CBN sa pagpapatupad ng protocols nila. Tama na rin ‘yun para maiwasan ang hawahan lalo na’t hindi pa sure kung kailan darating ang bakuna para sa COVID-19.

Kahapon ay balik studio na si Vice at clear na nga siya at walang sakit na COVID-19. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *