Balik GMA studio: Willie bibigyan raket mga musikero

Simula Nov. 6 ay balik sa German Moreno Studio si Willie Revillame tuwing Biyernes. Mahigit anim na buwan ngang nag-show si Willie Revillame (Wowowin) sa kanyang condo unit sa Quezon City, ang Wil Tower.

The post Balik GMA studio: Willie bibigyan raket mga musikero first appeared on Abante.

balik gma studio willie bibigyan raket mga musikero - Balik GMA studio: Willie bibigyan raket mga musikero
Willie Revillame 2 - Balik GMA studio: Willie bibigyan raket mga musikero

Simula Nov. 6 ay balik sa German Moreno Studio si Willie Revillame tuwing Biyernes. Mahigit anim na buwan ngang nag-show si Willie Revillame (Wowowin) sa kanyang condo unit sa Quezon City, ang Wil Tower.

At doon din nabuo ang mga segment na ‘Tutok to Win’ na kung saan ay namimigay si Willie sa mga lucky viewer ng P10,000 to P50,000, pag nahulaan nila ang sagot.

Aminado si Willie na na-miss niya ang high spirit ng mga studio audience. Pero, mas dapat nga raw isaalang-alang ang kalusugan ngayon.

“Nami-miss ko na kayong lahat. Nami-miss na namin ‘yung sumisigaw ‘pag naka-‘handa na ba kayo?’ Nami-miss ko na ‘yung si nanay, si lola sumasayaw. Nami-miss ko na ‘yung ‘Kuya Willie, kuya Willie.’ Nami-miss naming lahat ‘yan. Pero ganun pa man ho, kahit na wala kaming kasama sa studio, tuluy-tuloy pa rin po ang programang Wowowin para sa inyong lahat,” sabi ni Willie.

Anyway, mula Lunes at Huwebes ay sa Wil Tower pa rin mapapanood ang Wowowin, at tuwing Friday ay sa German Moreno Studio sa GMA Network.

Ibabalik din nila ang segment na ‘InstaJam’ na tumutulong sa mga talented musicians every Friday.
“Magkakaroon na po tayo ng live na mga InstaJam, kantahan. Para ‘yung mga walang trabahong musikero, ‘yung mga walang trabahong kumakanta, may trabaho kayo every Friday!” sabi niya. (Dondon Sermino)

The post Balik GMA studio: Willie bibigyan raket mga musikero first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *